Chapter 20 : The Real Start

128 23 1
                                    

Serenity

(Flashback : Many years ago.)

Isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa kwarto ni Lolo Alfredo, kaya napatigil ako sa harap ng bahagyang nakaawang na pinto.

"Dad! This is absurd! Bakit ipapamana mo lahat ng yaman mo kay Serenity?!" sigaw ni Dad.

Palagi silang nagsisigawan, ngunit ito ang unang beses na madawit ang pangalan ko at ang mana.

"May mali ba, Bryx? This is my wealth. Ako ang masusunod," istrikto namang sagot no Lolo Alfredo.

Napatawa si Daddy.

"Akala mo ba hindi ko pa alam?" he said. "HINDI KO ANAK SI SERENITY! SHE IS YOUR GODDAMN DAUGHTER! IKAW ANG UNANG GUMAPANG SA ASAWA KO! NO WONDER! DAHIL FAMILY NURSE NATIN SI SELENA DIBA? KAYA PAGMAMAY-ARI SIYA NG PAMILYANG ITO."

I gulped. Kusang nanigas ang katawan ko dahil sa narinig mula kay Daddy. Paisa-isang pumatak ang luha ko hanggang sa naging hikbi ito. Pero sinubukan ko pa ring hindi makalikha ng ingay.

"Whatever. Yeah, you're right. Ano naman ngayon?" walang interest na sagot ni Lolo. "Kung iisipin nga naman ay hindi mo magampanan ang responsibilidad mo kay Serenity."

Napahalakhak si Daddy. O, daddy ko ba siya?

Ang gulo.

"Grabe ka talaga dad, noh? You are the almighty cool god of Bazelio. Sa isang pitik mo lang, nagagawa mo na ang gusto mo. Ngunit lahat may hangganan, dad," sabi ni Daddy at narinig kong naglakad na siya palabas ng silid.

"Hindi kita anak, Bryx. Madalas ko yang sabihin sa'yo ng pabalang. But this time, I want you to know that, hindi talaga kita anak."

Napatigil si Daddy sa paghakbang nang marinig niya ang sinabi ni Lolo. Madalas ko nang marinig ang bagay na ito, ngunit ngayon ay mas intense.

"Ampon ka lang. Hindi ka isang Montevilla. So, tell me, bakit ko ipapamana ang yaman ng Montevilla sa isang katulad mo?"

Wala akong narinig na salita mula kay Daddy. Napatago ako agad sa malaking vase nang marinig kong papalapit na siya sa pintuan ng silid.

Pabalang niyang isinira ang pinto. Napasandal siya sa pader at napasigaw.

"I'm gonna kill that old hag," Bulong niya sa kanyang sarili ngunit narinig ko pa rin.

***

Tulad nga ng sinabi ni Daddy noon sa kanyang sarili, pinatay nga niya si Lolo. Sabi nila heart attack ang ikinamatay niya, ngunit alam kong siya ang may pakana nito.

Hindi nga niya pinausad ang kaso at pinigilan lahat ng pagsasaliksik.

At ang aking hinala ay nabigyan ng katuturan nang sabihin sa akin ng coroner na cyanide ang ikinamatay ni Lolo. Hindi na niya ito na-disclosed dahil nasisanti siya at nabawian ng lisensya na alam kong kagagawan ni Daddy.

Sa loob ng mahabang panahon.

Pinili kong manahimik.

Ngunit isang araw ay bigla na namang nagimbal ang mundo ko.

***

"Daddy? Nasaan na si Mommy?" I asked, confused.

Dinala niya kasi ako sa aming private villa dahil sabi niya may family bonding kami. Kahit alam kong hindi pala si Daddy ang ama ko, sinubukan ko pa rin ituring siyang ama. Lalo pa't nawala pa lang si Lolo.

"Bakit mo hahanapin ang wala na?" he said kaya nanahimik na lang ako.

"Daddy, mag i-eighteen na pala ako sa susunod kong birthday. May plano na po ba kayo para sa aking debut?" taka kong tanong.

Catch Me NotWhere stories live. Discover now