|One|

37 4 1
                                    

Hi Guys! If you have read my first Wattpad story "Always" I assume by now nakilala niyo na si Mico at Aya. This is their story.

"Guys! may bago daw tayong classmate galing US of A." Si Aya sa unang araw ng klase sa St. Louis High.

"Nasaan?" tanong ni Kristina.

"Guwapo ba?" tanong ni Nica.

"Kasama ni Jacob at ni Joaquin... o ayan na pala."

Nakaupo sila sa round bench sa school grounds. Dito sila madalas magkita-kita at tumambay bago sabay-sabay papasok sa klase.

"Hello girls! kumusta ang bakasyon." sumampa si Joaquin sa mesa. Umupo si Jacob at ang kasama nito.

"Ano ba Joaquin makita ka ng prinicipal. Unang araw ng klase eh. Bumaba ka diyan." si Kristina.

"Sino siya?" tanong ni Aya. Nakatingin kay Mico.

"Ah, si Mico nga pala guys. Mico Dela Vega. Classmate natin. Bago." Si Jacob. Si Nica, Si Kristina at si Aya."

"Hi Mico." Sabay na bati ni Kristina at Nica.

Tinabihan ito ni Aya. "Saang school ka galing Mico? Ilang taon ka na? Ano ang favorite color mo? Ano ang motto mo sa buhay? Kasi ako Seize the Day." Tahimik lang si Mico parang nagulat kay Aya.

"Huy, Aya. Umandar na nan ang pagka slam book mo dyan. Tigilan mo si Mico." Si Joaquin.

"Pasensiya ka na ganyan talaga si Aya." sabi ni Jacob.

"Pero mabait yan. Hindi nangangagat." Si Joaquin.

"Alam niyo grabe kayo sa akin ha. Ang babait niyo. Thank you." sabi ni Aya.

"Guys tara na." Sabi ni Kristina.

"Sa 2nd floor ang classroom natin kasi alam mo na 2nd year... tabi tayo Mico..." si Aya habang naglalakad sila papunta sa High School Building.

"Ha? Eh..."

"Dela Vega Aya. Tolentino ka. "Hindi pwede." sabi ni Nica.

"And isn't it separated ang boys sa girls?" tanong ni Mico.

"Oo joke time lang yan si Aya. Masanay ka na matagal mong makakasama yan." Si Jacob.

The Story Of Us (on-going)Where stories live. Discover now