|Four|

14 1 0
                                    

"Mico! sabay ako sa'yo naiwan na ko nina Kristina. May pupuntahan ka pa ba o uuwi ka na?"

"Pauwi na pero dadaanan ko muna si Lola Mommy sa mga tita ko."

"Ah, sige... sama ako."

"Asan ba driver mo?"

"Pinauwi ko kasi tinapos ko yung group work natin sa Physics. Eh may pupuntahan daw si Kristina di na ako nakasabay. Magtataxi na nga lang sana ako. Buti nakita kita."

"Taxi ka dyan sumakay ka na. Mamaya saan ka pa dalhin ng taxi."

"Uuuuy caring...sabi ko na nga ba love mo ako."

Pinaandar ni Mico ang kotse.

"Naku Ariana. Tumigil ka nga."

Sa kotse tuwang tuwa  ang lola ni Mico nang makita si Ariana.

"Mabuti naman at kasama ka ni Mico. Matagal ka nang hindi pumapasyal sa bahay Ihahatid mo ba sa bahay sa Aya ha Mico?" si Lola Mommy.

"Hindi na po Lola Mommy, sa grocery na lang andun naman si Kuya James sasabay na ako."

"Kumusta nga pala ang kuya mo?"

"As usual closet queen pa din 'La."

"Ahaha. Hindi pa rin ba alam ng mommy at daddy mo?"

"Hindi pa po Lola Mommy...ako pa lang at ikaw." Bumaling ito kay Mico.

"Hoy Mico wag kang maingay ha deepest secret yun."

"Naku Ariana, tigilan mo ako. Wala akong pakialam sa kuya mo." sagot ni Mico.

"Basta ang sabi ko sa kanya huwg magka-ka crush sa'yo at kay Jacob at kay Joaquin.

Ipinark ni Mico  ang sasakyan. "Baba ka na makita pa ako ng kuya mo. Magka-crush pa sa akin yun."

"Lola Mommy si Mico o."

"Mico be good." saway ng matanda.

"Sige po lola Mommy. Ingat po kayo... salamat sa paghatid Mico."

The Story Of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon