|Five|

12 0 0
                                    

Nakakunot ang noo ni Mico nag makita ang malayo pang si Aya sa isang mall.

"Jacob...hindi ba si Aya yun? Iba na naman ang kasama?"

"Hindi ka na nasanay sa kaibigan nating yan. Laging may flavor of the month." sagot ni Jacob.

"Hmm, I wonder what happened to that Reggie boy..."

"Malamang nadispatsa na."

Hindi naman nakalagpas sa mata ni Aya ang mga kaibigan.

"Micooo! Jacoob!!!" sigaw nito kaya napatingin ang mga tao sa kanya habang hila-hila nito ang kasama papunta sa dalawang binata.

"O Aya..." bati ni Mico.

"Saan ka galing?" tanong ni Jacob.

"Kakatapos lang namin mag lunch. Si Aries nga pala... boyfriend ko."

"Boyfriend?!" sabay na tanong ng dalawa.

"Oo wag na kayong magtanong. Si Mico nga pala at saka si Jacob..." pakilala nito sa kasama.

"Boyfriend?!" tanong ni Kristina habang inilalabas ang cake sa oven.

"Oo. Sagot ni Nica. Bagong boyfriend." kinuha nito ang mga plato upang ilagay sa dining table.

"Na naman? eh anong nangyari dun sa Reggie?"

"Walang sinabi. Baka mamaya pag dating mag kuwento." sagot ni Mico habang inilalapag ang mga inuming dala nito sa mesa.

"Kayo naman, di na kayo nasanay kay Aya." Si Joaquin habang nakahiga sa sofa. "Sabi niyo nga may one month rule si Aya... ayan eksaktong one month."

Natigil ang kwentuhan nila ng pumasok si Jacob kasunod si Aya at si Aries.

"Hi guys! Si Aries... Aries si Nica, Kristina at Joaquin. Mga friends ko."

Tumayo si Joaquin mula sa pagkakahiga.

"Aries? anong nangyari dun kay..."

"Guys, kain na tayo nagugutom na ako." Imbita ni Jacob sa grupo.

"Halika Aries dito ka tabi tayo." Si Aya.

"So, saan naman kayo nagkakilala nitong si Aya?" tanong ni Kristina.

"Insurance agent siya ni kuya. Nagkakilala kami sa grocery eh, ayun matchy-matchy pala kami kaya tinry namin kung compatible kami." inbutan nito ng cake si Aries.

Nagkatinginan ang magkakaibigan.

"What insurance do you offer? tanong ni Mico kay Aries matapos uminom ng juice.

"Life, financial & non-Life. Classmate ko din ang kuya ni Aya sa college. Kayo... kung interested kayo pwede nating idiscuss we can start now..."

"Ahm... Aries ano kasi lahat halos kami dito insured kahit yan si Aya... di ba may insurance ka na din?" si Kristina.

"Yeah, pero I'm planning to get another one from him."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story Of Us (on-going)Where stories live. Discover now