|Three|

17 0 0
                                    

"Kasama daw ni Aya yung bagong boyfriend niya." Sabi ni Kristina during their barbecue session sa bahay ni Mico.

"Naka ilang boyfriend na ba yan si Aya since college? papalit palit palipat lipat." si Joaquin.

"Sus, nagsalita ang mabait." sabi ni Nica.

"Alam mo Joaqs, bagay kayo ni Aya eh, pareho wavelength niyo..." Si Jacob.

"Gago. walang taluhan ng kaibigan."

Nagtawanan sila.

"O eto na pala si Mico. Nakabili ka ng tuna pare?"

"Yes."

"Guyyyys! I'm here!" Sigaw ni Aya. Tiningnan lang ito ni Mico.

"O Aya. Ipapakilala mo ba kami sa kasama mo?"  Si Nica.

"Guys, this is Reggie... my boyfriend... Si Jacob, si Nica, Kristina and si Mico." sabay turo kay Mico na noon ay inaayos ang tuna sa griller.

"Hello." bati ng dalawang babae dito

"Hi, nice to meet you."

Kinamayan ni Joaquin at Jacob si Reggie.

"Welcome pare."

"Saan naman kayo nagkakilala niyang si Aya?" si Mico habang inaayos ang  mga iniihaw. Inabutan ito ni Joaquin ng beer.

"Ah, sa grocery nila. Supplier kami ng mga snacks." sagot ni Reggie.

"Anong snacks?" tanong ni Kristina.

"Mga cornick, cornbits...mga tsitsirya"

"Ah pica-pica." si Mico. "Business mo?"

"Sa tito ko."

"Beer, pare." alok ni Jacob kay Reggie.

"Thank you hindi kasi ako umiinom."

"Hala, eh yan si Aya lakas uminom niyan." si Nica.

"Guys, hinay-hinay nilalaglag niyo na ko sa loves ko eh."

"So ilang weeks na kayo? Nalagpasan niyo na ba yung one month rule ni Aya?" tanong ni Joaquin kay Reggie.

"Anong one month rule?"

"One month rule. Ito kasing si Aya walang tumagal na relasyon yan. Mostly two, three weeks." si Kristina.

"Magtu-two weeks." sagot ni Reggie.

"Congratulations!" si Joaquin.

"Hoy kayo nga tigilan niyo si Reggie. Pare psensiya ka na makulit lang kami talaga." Si Mico.

"O kain na. Masarap magluto yang si Mico. " sabi ni Nica. "Kaya gustong gusto namin dito kasi all out magluto itong si Mico."

"Mana kaya kay Lola Mommy yan. Asan nga pala si Lola Mommy?" tanong ni Aya.

"Wala sinundo ng tita ko." sagot ni Mico.

"Favorite ako nun." Pagmamalaki ni Aya kay Reggie. "May Bar and Resto yan si Mico."

The Story Of Us (on-going)Where stories live. Discover now