9: Plan

1.4K 64 1
                                    

Maxine's POV

Nilapitan agad ako ni Dan saka inalalayang tumayo.

"Hey, okay ka lang?" Tanong nya. Nakayuko akong bumuntong hininga saka tumango.

"I'm fine. Uuwi nalang ako." sagot ko saka tinalikuran na sya. Tinalikuran ko silang lahat at nagtungo sa cabin. Nakalagpas na ako sa mga tao at nakakalayo na nang maramdaman kong may sumusunod sakin. Bumuntong hininga ako at hinayaan silang sundan ako.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng may humigit sa braso ko at nagiba nang daan habang nakasunod parin ang iba.

Nakita ko ang malapad na likod ni Devon na syang humihila sakin. Nagtungo kami sa living room nang cabin at pinaupo nya ako saka sya tumalikod.

Umupo naman si Summer at Yssa sa tabi ko habang naupo ang iba sa mga katabing couches. Kasama parin pala nila si Celine na mukhang nakikisimpatya sa amin.

Mabigat na sumandal si Summer sa sandalan ng couch at nakapangalumbaba naman si Yssa at sina Harris. Nakatayo lang si Devon at Ace na nakasandal sa pader.

"Aysstt ano ba tong nangyayare satin." bulong ni Summer at hinilot pa ang sintido nito. Its like she's been into stress for how many days.

"Hindi sila titigil." napatingin ako kay Jet nang magsalita sya at tumingin sakin. Nanatili akong tahimik at hindi nagreact hangga't hindi sila nakakapagpaliwanag sa alam nila.

"This school sucks." naiiling na komento ni Harris. Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko sa mga sinasabi nila.

"Maxine," tawag ni Drey sakin. Tumingin ako sa kanya.

"They are after you." sagot nya sa nagtataka kong tangin. Napangiwi ako.

"Alam ko. Sasinabi ni Gia. Alam kong ako ang pakay nila." sagot ko.

"Pero anong pakay nila sayo?" Tanong naman ni Ace sa seryosong boses.

"Malay ko. Walang sinabi sakin si Gia" sagot ko.

"Gia? Yun ba yung nanghostage sayo?" Tanong ni Celine. Tumango naman ako.

"Hindi malabong interesado sila sayo dahil sa dalawang anak ng charites na kaibigan mo." salita ni Summer sa tabi ko. Sina Althea at Eunice?

"Bakit? Anong kailangan nila sa kanila?" Tanong ko.

"Iniisip nila na malaking sagabal si Althea at Eunice sa plano nila." sagot ni Summer.

"They are spreading darkness around the world. At malaking sagabal ang anak ng mga charites." dagdag naman ni Jet. Darkness? They?

"Sino?" Tanong ko. Tumingin sakin sina Summer.

"Eris. She's starting to move her pawns to spread her plan again." sagot ni Yssa. Kaya ba lumusob ang mga anak nya kanina? At si Gia narin?

"Teka. Marami sa kaklase ko ang kadugo ni Eris, ibig sabihin ba nyan kasapi narin sila?" Tanong ko. Tumango naman si Drey.

"Lahat ng kadugo nya at ang tatlong anak ng charites ang nakidnap mula sa pagsabog kanina." sagot ni Drey. Bumuga ako nang mabigat na hangin at napailing. Si Rina, kasama rin ba sya? Gusto ko itong itanong pero wag na muna.

MAXIMUS PRIME ACADEMY✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon