Chapter 11: Bestfriend, Mahal Ko!

1.5K 37 5
                                    

"Totoo ba ang narinig ko? Mahal ako ni Francis....Pero paano ito nangyari? Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako...." bulong sa sarili ni Gilbert

"Anong sabi mo? Mahal mo ako?" tanong ni Gilbert..

"Oo Mahal na kita...." sagot ni Francis...

"Teka...lilinawin ko lang....Mahal mo ako bilang bestfriend? o Mahal mo ako bilang boyfriend? alin sa dalawa? kasi magkaiba yan" tanong ulit ni Gilbert....

"Parehas....matagal na kitang mahal bilang bestfriend pero ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na mahal kita hindi lang bilang kaibigan...mahal kita bilang boyfriend...pwede ba ang ganun?" paliwanag ni Francis......

Maiiyak iyak si Gilbert na nakatayo sa gilid ng kama. Hindi kailanman pumasok sa isip niya na mangyayari ang lahat ng ito. Halos hindi makagalaw ito sa pagkabigla at hindi na napigilan ang lumuha sa tuwa.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Francis....

"Tarantado ka....tinatanong mo pa, buong buhay ko mula ng nakilala kita, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Hindi ako umasa na mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sa iyo. Masaya na ako nakikita kitang masaya kasama ang mga girlfriend mo kahit ang totoo nasasaktan ako ng sobra sobra. Sa tuwing kasama kita parang ayaw ko ng matapos ang araw para hindi tayo maghiwalay. Lahat ng gusto mo handa kong ibigay mapasaya lang kita. Isa ka sa mga dahilan kung bakit pa ako nabubuhay. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko sa iyo sa takot na baka lumayo ka sa akin. Hindi ko kaya pag nawala ka sa buhay ko. Mahal na Mahal Kita Bestfriend..... Mahal na Mahal Kita Francis" payahag ni Gilbert.....

"Aaminin ko matagal ko ng nararamdaman na parang may iba sa iyo. Sa mga pinapakita mong pag aalala, pag aalaga at pagpapahalaga, alam kung hindi lang kaibigan ang tingin mo sa akin. Natakot ako, gusto kitang iwasan pero hindi ko talaga magawa. Hindi ko alam kung bakit, ang alam ko lang mahalaga ka sa akin. Noong una simpleng kaibigan lang ang tingin ko sa iyo. Pero habang tumatagal mas lumalalim iyon, naiisip na kita bago ako matulog. Pati sa panaginip ko nandoon ka parin. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Gusto kita laging kasama saan man ako pumunta. Ang saya ko kapag napapangiti at napapatawa kita. At dati kapag nakikita kitang hubad wala lang, pero ngayon iba ang nararamdaman ko, Bestfriend Mahal Na Kita......" paliwanag ni Francis.....

Dahil hindi parin tumitigil sa pag iyak si Gilbert, lumapit na si Francis at niyakap ng mahigpit ang kaibigan.

"Sorry Bestfriend....ngayon lang ako umamin, natakot kasi ako at hindi pa ako handang tanggapin ang pagkatao ko noon pero ngayon handa na ako. Alam ko mas magiging masaya ako kapag nagpakatotoo na ako. Hindi na ako takot na sabihin sa lahat ang nararamdaman ko para sa iyo" pahayag ni Francis

"Hindi mo kailangan mag sorry.... Wala kang kasalanan, hindi mo kailangan magbago.... Masaya na akong nalaman kong mahal mo rin ako...."  tugon ni Gilbert

"Hindi ko alam paano magsimula at ano ang gagawin ngayon. Basta masaya ako at magaan na ang pakiramdam ko kasi nasabi ko na sa iyo ang gusto kung sabihin" lahad ni Francis.....

"Nandito ako Bestfriend, Mahal ko, aalalayan kita at dito lang ako sa tabi mo palagi" tugon ni Gilbert.....

"Salamat Bestfriend.....basta kahit alam mo ng mahal kita, huwag masyadong obvious sa labas.... Para hindi tayo pag usapan at isa pa may girlfriend pa ako" pakiusap ni Francis.....

"Oo naman, sabi ko nga walang magbabago....sa labas ganun parin tayo pero kapag tayong dalawa lang gaya nito pwede ba akong maglambing at magpaka sweet sa iyo...." tanong ni Gilbert.....

"Oo naman....kapag tayong dalawa lahat pwede natin gawin....Teka bestfriend may sasabihin ako, pwede magdamit ka muna....kasi baka nakakalimutan mo naka brief ka lang....mamaya mag init na naman ako" pakiusap ni Francis.....

Natawa bigla si Gilbert sa sinabi ni Francis at agad naman itong nagbihis. Nang nakabihis na, humiga ang dalawa sa kama. Nagpatuloy parin sa pag uusap ang dalawa habang nakayakap si Gilbert kay Francis.....

Francis: Bestfriend....Mahal ko, sorry ha, hindi ko sinasadya na marinig ang pag uusap nyo ni Tita. Magiging madamot ba ako, paghiniling ko sa iyo na huwag ka umalis. Hindi ko talaga alam gagawin kapag nawala kana sa buhay ko....

Gilbert: Tama nga ang hinala ko, narinig mo kaming nag uusap. Pero hindi ko talaga inaasahan na ganyan ang magiging reaksyon mo.....

Francis: Natakot talaga ako nun narinig ko iyon, gusto ko sumingit sa usapan nyo ng Mommy mo para sabihin lang na hindi ako papayag na umalis ka. Pero sino ba naman ako para gawin iyon. Bestfriend, America iyon...paano kita mapupuntahan? Ang hirap isipin na isang isang araw iiwanan mo rin ako.....

Gilbert: Bestfriend, Mahal ko..... siguro narinig mo din nang sabihin ko kay Mommy na kung pwede maiwan ako. Ikaw kasi ang dahilan kung bakit gusto ko dito parin ako mag aral para makasama kita. Hindi ko rin kakayanin kapag nagkahiwalay tayo......

Francis: Ipangako mo, hindi mo ako iiwan.... Promise behave ako tapos hindi kita lolokohin at sasaktan. Gagawa ako ng paraan para hiwalayan si Janet para maging tayo na. Handa kitang ipakilala kay Mama, kahit sa bahay kana tumira. Magsama na tayo huwag ka lang umalis......

Gilbert: Oo, pangako! hindi kita iiwan. Kanina nga nakapagdecide na ako sa harap ni Mommy na ayaw ko tumira doon dahil sa iyo. Paano pa ngayon na alam ko nang mahal mo rin pala ako. Hindi talaga ako papayag na maghiwalay tayo....

Francis: Basta lahat ng gusto mo gagawin ko para lang hindi ka lang umalis.....

Gilbert: Lahat gagawin mo?

Francis: Oo....lahat gagawin ko para sa iyo, ganun kita kamahal....

Gilbert: Sige subok.... sumayaw ka na parang macho dancer sa harap ko habang naka hubot hubad....

Francis: Iyon lang pala....sandali.....

Gilbert: Aba, at gagawin talaga ng loko, biro lang iyon..... promise hinding hindi kita iiwan. Kung pupunta man ako ng America, bakasyon lang iyon at babalik ako para sa iyo......

Francis: Salamat Bestfriend, Mahal ko.... (sabay halik sa labi ni Gilbert)

Gilbert: Ayan ka na naman.... ninanakawan mo ako ng halik, hindi ka nagpapaalam......hmmmmpppp

Francis: Ay... sorry.... Bestfriend, Mahal ko.... Pwede pa kiss?

Gilbert: Hindi pwede....hindi pa naman kita boyfriend......

Francis: Please.......

Gilbert: Ayaw ko.....

Francis: Ah....ganun ha, ayaw mo pumayag........gusto mo pinipilit at pwersahan ha.....humanda ka ngayon.......

Tok..... Tok.... Tok.... (biglang may kumatok sa pintuan.....)

"Kayong dalawa, akala ko ba matutulog kayo, itigil nyo muna ang harutan at ng makapagpahinga kayo. Itong mga batang ito talo pa ang mag asawa" biglang sabi ng Mommy ni Gilbert sa labas ng pintuan....

"Opo.....Mommy....pasensya na! Masaya lang" sagot ni Gilbert......

"Tita, sorry po.... Mas masaya lang" sagot ni Francis......

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon