Chapter 13: First Date

1.4K 45 5
                                    

Umandar na ang tricycle na kanilang sinasakyan ngunit hindi parin alam ni Gilbert kung saan sila pupunta. Nakapagtext narin siya sa Mommy nito para sabihin na mahuhuli ito ng uwi at kasama si Francis. Pasalamat nalang at hindi ito nagtanong kung saan pupunta at tiyak wala itong masasagot. Habang umaandar ang tricycle panay naman ang tingin at ngiti sa kanya ni Francis. Mga ilang sandali lang ay kinuha ang kanyang kamay para hawakan ito.

"Mahal ko....relax ka lang, akong bahala sa iyo....."

"Saan ba talaga tayo pupunta? tingnan mo at malapit ng magdilim, bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa akin"

"Malalaman mo rin mamaya, kalma lang Mahal, hindi kita pababayaan.... kasama mo ako"

"Ikaw ang bahala Mahal ko..... isusumbong talaga kita kay Mommy kapag ............."

"Shhhh....walang mangyayaring masama....magtiwala ka lang sa akin......"

Sa isang pampublikong sementeryo huminto ang tricycle at talagang kinabigla ito ni Gilbert....

"Ano! Seryoso ka talaga at sa isang sementeryo mo ako dinala.....walang hiya ka, alam mong takot ako sa multo at padilim na....Ano ba nakain mo at dito mo naisipang dalhin ako" gulat at takot na tanong ni Gilbert, parang ayaw ng bumaba ng tricycle......

"Basta may dahilan kung bakit kita dinala dito, bumaba kana habang maliwanag at bukas pa ang sementeryo"

"Ikaw....humanda ka talaga sa akin, siguraduhin mo lang katanggap tanggap ang dahilan mo kung bakit tayo nandito"

"Antay ka lang....bilis, may bibilhin muna tayo....."

Sa isang tindahan ng bulaklak at kandila sila nagpunta.....

"Ikaw pala yan Pogi....." bati ng tindera.....

"Gandang hapon po......gaya po ng dati ate.... 3 puting rosas at 3 kandila"

"Mukhang ngayon ka lang ulit nakadalaw dito at may kasama ka ngayon....."

"Medyo busy kasi sa school....si Gilbert po pala....ang Mahal ko"

Nanlaki ang mata ni Gilbert sa narinig. Hindi niya inaasahan na ipapakilala siya ng ganun. Hindi narin niya nagawang pigilan ito. Mukhang wala din naman sa tindera ang sinabi ni Francis at napangiti lang ito.....

"Nababaliw kana ba talaga Francis, hindi mo ako kailangan ipakilala ng ganun sa tao....hindi natin alam ang magiging reaksyon nila. At mamaya kilala pala ni Mommy at Mama mo iyon" pahayag ni Gilbert......

"Hindi kaba masaya na pinakikilala kita ng ganun?" tanong ni Francis na tila nalungkot bigla.....

"Syempre masaya ako....sobrang saya at talagang ginugulat mo ako....pero sabi ko nga sa iyo hindi mo kailangan gawin iyon. Masaya na akong kasama ka at nararamdaman na mahal mo ako" paliwanag ni Gilbert.....

"Sige, ikaw ang masusunod......tara bilisan mo, pasok na tayo sa loob ....habang may liwanag pa at bukas pa ang sementeryo" 

Bitbit ang rosas at kandila na binili, pumasok na ang dalawa sa loob. Halatang takot at kabado si Gilbert habang lumalakad, kaya hinawakan ni Francis ang kamay nito hanggang marating nila ang dalawang puntod na magkatabi.....

"Nandito na tayo Bestfriend, Mahal ko......Magandang Gabi po Lolo at Lola....si Francis po ulit ito" bungad ni Francis, sabay lagay ng rosas sa ibabaw ng puntod at sindi ng kandila......

"Lolo....Lola.....kasama ko pala si Gilbert.....sabi nyo noon, dapat kayong dalawa ang unang makakaalam at makakakilala sa babaeng mamahalin ko. Medyo natagalan po ang paghahanap ko at sa wakas nakilala ko narin. Pero hindi po siya babae, lalaki po siya. Lolo at Lola, huwag kayo magagalit sa akin..........pinapakilala ko po sa inyo ang taong mahal ko... Si Gilbert De Leon...... pahayag ni Francis habang hawak ang kamay ni Gilbert at nakatayo sa harap ng puntod.....

Hindi na naman namalayan ni Gilbert na tumulo ang luha nito sa ginawa ni Francis. Hindi niya inakala na ganito siya kamahal ni Francis. Ang kaninang takot na naramdaman ay napalitan ng sobrang kaligayahan.

"Nakakainis ka.....lagi mo akong pinapaiyak, kanina ka pa sa bahay ha.....Mahal na Mahal kita.....salamat"

ito nalang ang nasabi ni Gilbert habang patuloy parin sa pagluha maging si Francis ay napaluha narin......

Mga ilang sandali, isang boses ang kanilang narinig.......

"Sir.....magsasara na po ang sementeryo" paalala ng security guard......

"Ah sige po boss....lalabas na kami" sagot ni Francis.....

"Lolo....Lola....uwi na po kami, balik nalang po kami sa ibang araw....huwag po kayong magagalit sa amin...Mahal na Mahal ko po itong tao na ito" paalam ni Francis....

"Lolo at Lola.....huwag nyo po akong dalawin ha......mahal na mahal ko itong apo nyo at pangako hindi ko ito pababayaan" nanginginig na sinabi ni Gilbert.....

Lumakad na palabas ang dalawa at may kakaibang saya sa mga mukha nila......

"Mahal, bakit mo naisip na ipakilala ako sa Lolo at Lola mo, ginulat mo ako doon.....pero sobrang saya ko at salamat ulit...." tanong ni Gilbert....

"Naalala ko lang bigla iyong laging binibilin nila noon buhay pa ang Lolo at Lola. Gusto kasi nilang, sila ang unang makakakilala ng taong mamahalin ko. Nagkaroon na ako ng mga girlfriend pero wala pa akong napapakilala sa kanila kahit isa. Ikaw palang, kasi alam ko ikaw lang ang karapat dapat na ipakilala" paliwanag ni Francis....

"WoW....ayaw ko ng umiyak ha.... pero salamat talaga.....hindi mo alam kung paano mo ako napapasaya ngayon" sagot ni Gilbert....

"Paulit ulit ko nga sasabihin sa iyo na, simula ngayong araw na ito...lagi kita paliligayin....." pahabol ni Francis.....

"Uuwi na ba tayo Mahal ko, nagugutom ako" tanong ni Gilbert.....

"Syempre.....hindi kumpleto ang First Date natin kung hindi tayo kakain" sagot ni Francis......

Biglang natawa si Gilbert sa sinabi ni Francis na first date pala nila ito. Pero kahit kakaibang date ito at sa sementeryo sila nagpunta. Hindi maikakaila ni Gilbert na isa ito sa hinding hindi niya makakalimutang ginawa sa kanya ni Francis. Hindi ito kayang tumbasan ng kahit anong magarbong lakad. Sobra sobra na ang ligayang bigay nito sa kanya para matawag na The Best ang First Date.....

Sa isang gilid na puno ng ibat ibang street food dinala ni Francis si Gilbert....

"Seryoso ka talagang dito tayo kakain" tanong ni Gilbert.....

"Bakit, wala naman masama dito at isa pa malinis dito kahit street food lang ang mga ito. At para maiba diba, at tiyak hindi mo talaga makakalimutan ang first date natin" sagot ni Francis......

"Hinding hindi ko talaga ito makakalimutan.....sige gusto ko ng kwek kwek at pares" pahayag ni Gilbert na natatawa sa mga kakaibang surpresa ng Mahal.......

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon