Chapter 19: Baby Loves

539 12 3
                                    


"KUYA! ano ba? sinabing kong lumabas ka muna ng kwarto eh" sigaw ni Gilbert sabay tulak dito....

"ARAY!......." isang malakas sigaw ang narinig kasabay ng malakas na tunog mula sa pagkakahulog sa sahig....

"Mahal.....ano ba yun? Masakit iyon ha!" nagtatakang tanong ni Francis habang nakaupo sa sahig mula sa pagkakahulog nito sa kama dahil sa malakas na pagkakatulak ni Gilbert....

Hindi malaman ni Gilbert ang sasabihin at gagawin dahil kahit ito ay nabigla sa nangyari. Nakatitig lang ito kay Francis na tila may gustong sabihin at ipaliwanag pero hindi niya masabi.

"Sorry.....mahal ko!" ang tanging nasabi nito sabay bangon at agad pinuntahan si Francis upang tulungan itong tumayo at ibalik sa kama....

"Sorry mahal ko......hindi ko talaga sinasadya at hindi ko alam kung ano ang nangyari at bakit kita naitulak...."

"Ayos lang mahal ko" sagot ni Francis

"Pero mahal ko....masakit talaga iyong pagkakahulog ko sa sahig ha!" matatawa tawa nitong pahabol....

"Sorry na.....asan ang masakit....ito ba? sabay hawak ni Gilbert sa bewang ni Francis.........

"Hindi dyan mahal ko,itong likod at puwet ko yata ang napuruhan at medyo napalakas ang tama sa sahig....." paliwanag ni Francis.....

"Hala ka! kawawa naman ang mahal ko.....sorry talaga ha.....tingin mo kailangan natin pumunta sa doctor?"

"Hoy! mokong ang OA mo....masakit pero hindi naman kailangan mag pa ospital....pero ano ba talaga ang nangyari sa iyo at mukhang hindi maganda ang napanaginipan mo at nagawa mo pa talaga akong itulak at parang narinig ko rin ang malakas na sigaw mo bago ka tuluyang magising....."

"Siguro nga mahal ko! Pero hindi ko talaga maalala eh....."

Kinailangan ni Gilbert na magsinungaling tungkol sa kanyang panaginip, natatakot ito na maaaring paselosan ni Francis ang Kuya Bogs niya. Alam nito na hindi agad mauunawan ng kanyang mahal kung bakit ganun ang naging panaginip nito.

"Hala! Ganun?......sabagay ganyan naman talaga, madalas hindi natin naaalala ang mga panaginip lalo na't hindi ito maganda....."

"Sorry na mahal ko....wait! kiss ko likod mo......"paglalambing ni Gilbert

"Bakit likod ko lang ang hahalikan mo? Masakit din ang puwet ko.... pangisi ngising sambit ni Francis

"Ganun ba, sige sige hubarin na yan at akala mo hindi ko yan hahalikan" sagot ni Gilbert at akmang huhubaran ang mahal.....

At hahalikan mo talaga ang puwet ko.....baliw ka talaga mahal ko....pero parang sa lips ang gusto....." sabay nguso ni Francis.....

"Aba aba....likod at puwet ang masakit diba, hindi ang lips....."

"Gusto ko sa lips....please.....please"

"Toothbrush ka muna"

"Hoy! parehas lang tayong bagong gising kaya patas lang.....chossy pa ito...."

"Sige na nga....pikit ka muna....." utos ni Gilbert

"Ayan nakapikit na.....ang tagal naman....." sagot ni Francis sabay bigla nalang nitong hinalikan si Gilbert....

"Ayan.....ako na ang humalik ha....ang tagal kasi eh.......

"Hala......hindi nakapaghintay si mahal oh....."

Tuloy lang ang kulitan at harutan ng dalawa ng biglang kumatok si Nanay Lupe.....

"Gilbert.......Nak! gising na.....aalis na tayo" tawag nito

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon