Chapter 12: Feeling Boyfriend

1.4K 27 4
                                    

Hindi na nagawang matulog at magpahinga ng dalawa. Walang tigil na harutan at kulitan ang ginawa buong siesta....

"Anong oras na, Mahal?" tanong ni Gilbert, sabay tingin sa orasan nakasabit sa itaas ng pinto...

"Hala 1:30pm na....dali! Mahal ko, bihis na....mahuhuli na tayo sa klase. Hindi pwedeng ma-late kay Mr. Herras at tiyak pag iinitan tayo buong klase, bangon na dyan" utos ni Gilbert....

"Tinatamad akong pumasok Mahal ko, dito nalang tayo.....gusto pa kita kayakap" sagot ni Francis.....

"At namihasa ang loko.... tumayo ka na dyan" sabay hila ni Gilbert kay Francis para lang bumangon.....

Tok....... Tok....... Tok.......

"Gilbert....Francis.....ano pa ginagawa nyo dyan dalawa, diba may klase pa kayo....aba! anong oras na at late na kayo, kumilos na.....mga batang ito" sermon ng Mommy ni Gilbert....

"Si Francis, Mommy.....ayaw daw pumasok at gusto lang daw akong  ka.........." sabay takip ni Francis sa bibig ni Gilbert upang hindi matuloy ang sasabihin nito.....

"Tita.....ayos na po, nagbibihis na at papasok na.....pasensya na po" tugon ni Francis......

"Sige! bilisan ang kilos at huwag ng magkulitan dyan" sagot naman nito....

"Ikaw Mahal, sumbongero ka..... pati iyon sasabihin talaga sa Mommy mo, hmmmppp....kung hindi lang kita mahal, pa kiss nga Bestfriend" pahayag ni Francis.......

"Wala naman akong nasabi at tinakpan mo ang bibig ko. Kiss? kiss mo mukha mo, magbihis kana at isusumbong talaga kita" tugon ni Gilbert.....

"Oo na.....ito na! magbibihis na....ang taray naman ng boyfriend ko parang babae" biro ni Francis.....

"Tse....boyfriend? feeling boyfriend kamo" sagot ni Gilbert.....

Nang nakabihis na ang dalawa, dali dali silang bumalik ng school para sa panghapon na klase nila.

"Patay.....late na tayo, ayan kasi.....ang bagal mo kumilos" mahinang sabi ni Gilbert habang nasa labas ng silid at sinisilip ang loob....

"Hala....ako talaga ang may kasalanan....sige, sige ako na! At bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?" tanong ni Francis....

"Sandali lang.....tyempo tayo, mukhang kakasimula palang naman nila at hindi pa alam na wala tayo" sagot ni Gilbert.....

"Pumasok na kaya tayo....mukha tayong gago dito, pag iinitan parin tayo ng matandang iyan at alam naman natin na pagpasok sa kwarto ikaw agad ang hinahanap, ang pinakamagaling na estudyante nya, imposibleng hindi niya napansin na wala ka pa" paliwanag ni Francis.....

"Libis...pasok!" mahinang sigaw ni Gilbert.....

Agad na pumasok ang dalawa sa silid at umupo sa kanilang upuan. Hindi gumawa ng anumang ingay upang hindi mapansin ng iba at lalong lalo na ang kanilang guro, subalit........

" Mr. De Leon at Mr. Bustamante, bakit ngayon lang kayo? akala nyo ba hindi ko napansin na wala kayo ng pumasok ako, saan kayo galing at bakit late kayo? tanong ni Mr. Herras.....

"Pasensya na po Sir, galing po kami sa bahay. Doon po kami kumain ng lunch pero nakatulog po kami ng hindi sinasadya pagkatapos kumain...... sorry po at hindi na mauulit" paliwanag ni Gilbert....

"Ikaw, Mr. Bustamante may sasabihin ka?" tanong ulit ni Mr. Herras.....

"Masarap po kasing matulog pagkatapos kumain at pag katabi mo ang ma......" biglang singit ni Gilbert sabay siko kay Francis......

"Pasensya na po Sir....hindi na po mauulit" giit ni Gilbert....

"Sige....maupo na kayong dalawa" sagot ni Mr. Herras......

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon