Elites 5: Keiran Gabriel (Prologue)

6.4K 130 0
                                    

Ai de Chavez was born to be a princess. That's what Ai's mother told her while she was growing up. Priscilla de Chavez was a well known singer until she married her father, Florencio de Chavez, a music and album producer.

At fifteen, she was tall for her age. Sinuklay niya ang alon-alon niyang buhok na hanggang beywang niya. Inayos din niya ang floral dress niya. Lalabas siya mamaya kasama ang mga kababata niya na si Hunter, Wyatt, Sebastian, Gavin, at Kei.

Nagpapaganda talaga siya para kay Kei. Keiran Gabriel at 20 is the most handsome man in her eyes. He was the prince charming she envisioned. He loves playing instruments and singing as much as her. Sa lahat ng mga kababata niya ay ito lang ang nakaka-jam niya.

Inayos niya ang strappy sandals niya bago muling tinignan ang hitsura niya. She wants to always look perfect for Kei. As he turns 21 next week, pinagplanuhan na niya kung paano magtapat ng nararamdaman niya rito. She thought it's about time that she confessed. Naisip na niya ang kanta na iaalay niya para sa binata.

Hindi lingid sa kaalaman niya na habulin ito ng mga babae. Being in college exposed him to more ladies. He was casually dating most of them. Wala itong steady girlfriend. In her mind, she thought na baka siya talaga ang inaantay nito. Maybe she was the girl he was waiting for. Baka nahihiya lang ito dahil nga lumaki silang magkababata. Her friendhip with Wyatt, Sebastian, Hunter, and Gavin are platonic. Kay Kei lang tumibok ang puso niya.

Na-in love siya rito noong napapadalas ang jamming nila. He taught her to play the guitar. She only knows how to play the piano. Matiyaga siya nitong tinuruan. Ngayon, dalawa na silang tumutugtog at kumakanta.

Nang lumabas siya ng kuwarto ay narinig niyang nag-aaway nanaman ang Papa at Mama niya.

"Ano, kasama mo nanaman ang babae mo? Hindi ka nanaman dito matutulog? Florencio naman!"

"You shut up! Alam mo na kaya lang ako nandito ay para sa anak mo."

She felt her heart ache. Parang nanikip ang dibdib niya. Ai has always been close to her father. She was a king in her eyes. She learned to play piano through him. Iyon ang bonding nila noong mas bata pa siya. It all changed when she heard one of her parents' arguments. He kept saying 'anak mo' to her Mama. Obviously, he was not that happy that she is...well...alive. She was thinking why?

Her Mama on the other hand taught her how to sing. Nag-pa voice lesson pa talaga siya para lang ma-perfect ang singing voice niya. Her Mama wanted her to enter showbiz. Sa paniniwala nito ay mas makinang ang magiging bituin niya kaysa sa naabot nito.

"Maawa ka naman kay Ai. Lagi ka na lang niyang hinahanap. Anong gusto mong sabihin ko? Na nandoon ka sa babae mo? She looks up to you! You keep on breaking her heart!"

"Mahal ko si Adriana. You knew that from the start."

"Sinong mas mahal mo sa amin ha? Kami ng anak ko o iyong babaeng iyon?"

Mabilis niyang pinahid ang luha niya at bumaba para hindi na marinig ang sagot ng ama. She started distancing herself from her father. She would still play the piano with her Mama pero matagal ng panahon na hindi niya nakakasama ang ama niya. It used to be their family time. Playing the piano together and singing together.

Nilagpasan niya si Nanay Hilda na nag-aantay sa baba ng staircase. Nakaparada sa harap ang isang puting Toyota Vios. She knew it was Kei's car. It was always his duty na sunduin siya tuwing lumalabas silang magkakaibigan.

She sat in the passenger's seat quietly.

Napaigtad siya nang may humaplos sa pisngi niya. "They're fighting again?" Masuyong tanong ni Kei.

When she looked up at him, she felt her defenses crumble. Yumakap siya rito ng mahigpit. Only Kei can comfort her like this. Ayaw niyang ipinapakita ang side na iyon sa iba niyang mga kaibigan. With Kei, she is always vulnerable.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa likod niya. "Let it all out."

She silently thanked him for being there for her. Her heart grew fonder every time he was there to comfort her. Lagi nitong sinasabi sa kanya na hindi siya nito iiwan whatever happens. She will hold on to that. It fueled her love for him more. Hindi iyon puppy love tulad ng laging sinasabi ni Nanay Hilda sa kanya. Bata pa raw siya at hindi niya alam ang salitang pag-ibig. She denied and defended that what she was feeling for Kei, was not just infatuation.


Elites 5 >>

Elites 4: Gavin Sanchez [COMPLETED]Where stories live. Discover now