Chapter 13

44 11 0
                                    

I stared at the man who's laying down on the hospital bed. Tatlong taon na ang nakalipas, dito pa kita makikita? Dito pa talaga?

"Sh*t ka, Alisha. Si Hayden 'yon, 'di ba?" Lindsay tapped my shoulder. "Boyfriend mo! Ay, ex pala . . . three years ago. Sa ball pa talaga, grabe."

"Shut up, we're working." I took the sphygmomanometer. "Ikaw na ang magtanong sa guardian . . . sa parent kung ano'ng nangyari sa pasyente."

Pasyente. Anong klaseng med-student 'to? Pinapabayaan naman ang sarili niya. I did some assessments. I took his temperature, blood pressure, pulse, and heart rate.

But why is his heart racing so fast? This doesn't seem normal at all. I took his heart rate again to make sure, but it's still beating that way.

I remember that night. That night when he left, those exact words, that pain. I tried finding him again in SLU, but I heard he left the university. Nobody knew why he left. Not even Derick, Fiona, or Althea. Nobody knew where he was. Nobody knew what happened.

Sleepless nights. For months, he kept on bugging my mind when I shouldn't be distracted that time. Reviewed countless days and nights for the exam so I could get my license, but I was too distracted because of our breakup. The thing is he got me pregnant, and so I was supposed to take the exams in the second batch.
When I accepted our baby Heaven, I fell down the stairs, woke up in a hospital bed and my baby is gone. She's gone.


Hayden. Lagi siyang nariyan sa tabi ko para tulungan ako pero iniwan din niya ako. Minsan, may mga puntong naisip ko na kung hinabol ko pa siya, kami pa rin ngayon. Naisip ko kung hindi siya nakipaghiwalay, baka top notcher pa ako dahil paniguradong siya ang magre-review sa akin.

Sinisi ko rin ang sarili ko noon pero na-realize ko na sayang ang oras ko at kailangan kong bumangon. Kailangan kong bumangon para sa pamilya at mga kaibigan ko. Hindi lang 'yon. Kailangan ko ring bumangon para sa sarili ko at para sa mga pangarap ko. At itona ako ngayon! Nurse na ako.

Kahit hindi ko minahal ang nursing noong una pa lang dahil sa pressure na binigay sa 'kin ng pamilya ko. Kahit ilang beses na akong mahimatay sa dami ng kapeng ininom ko para magising sa pag-aral ko sa gitna ng gabi. Kahit nawala ang ibang taong nagtulak sa akin para umabot dito. Ito na ako ngayon, nurse na ako.

Habang patagal naman nang patagal ay minahal ko ang pagiging nurse ko.

Pagkatapos ng shift ko, pumunta na ako sa condo. Doon pa rin naman ang condo ko. Ang kaso nga lang, dahil hindi pa nakakauwi ang dalawa at may trabaho ang isa, dumiretso ako sa mas mataas na floor.

"Kumusta ang duty, Alisha? Ito, oh, pinangluto kita," ani Lucas at pinakita ang luto niya na pasta. He went closer to pat my head.

I placed my bag at the couch and went to the dining table to eat with him. "Uy, ang sarap! Dahil d'yan, libre mo 'ko ng skin sa ML!"

"Aba, asa ka girl! Kahi may skin ka, hindi magiging Mythical Glory ang rank mo!" sabi niya.

"Manahimik ka, wala kang marksman mamaya," I fired back and slurped some coke. "Girl pala, ha?"

"Oo, my girl. Oh, 'di ba?" sabi niya at nagpakita ng pose. "Kinilig ka do'n, 'no? Aminin mo!"

"Yuck, corny. Parang bata." Sumubo ako ng pasta ulit. "Uy, kapag ito ay wala talaga sa menu mo, hindi ko ia-advertise 'yan sa hospital, ah!"

"Eh 'di, h'wag. Wala kang discount, ah. Hindi ka libre do'n."

"Okay lang. Hindi naman ako pupunta do'n," dagdag ko.

"Ano? Kumusta ang shift nga?" pag-iiba niya ng usapan.

"Normal lang naman," sagot ko.

Ayaw ko namang malaman nila na bumalik na siya dahil baka magulat pa sila sa kalagayan niya ngayon. At saka, matagal na nga, eh. Baka nakalimutan na rin nila kung sino siya. Ilang taon na rin naming iniwasan na pag-usapan siya.

Under the Same Starry SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon