CHAPTER TWO

3 3 3
                                    



UNEDITED


" Sadness is like a Drug,it takes you away from reality and make you changes in a whole new way  "  Winter Mint Fuenties

Winter pov

"Good Morning young lady Winter"

"Welcome back young lady"

"Good day, young lady"

Sunod na sunod narinig ko ng mga kasambahay namin at biglang bumaba sa hagdan ang babaeng may itim na buhok at kayumangging mata, nakangiti ito nakatingin sa akin at sinalubong ako nito ng mainit na yakap

"Welcome back my daughter..." She Said but Hindi ko yun tinugon at biglang bumukas ang pinto, pumasok ron ang tatlong babae na kamukha ko at kaparehong edad ko rin pero magkaiba kami ng personalidad

"Zup! Welcome back sis!" saad ng babaeng kamukha ko na boyish manamit. Si Rain Miele Fuenties na isang boyish hindi siya tomboy, boyish lang na mahilig magsuot ng panglalaki na damit basta hindi siya mahilig sa pang babae na gamit at isang manhid pagdating sa pag ibig.

"Kyaahhh Winterrrr! Welcome back!" batang sigaw ng kamukha ko na naka two pigtails ang buhok at girly nanamit habang may dalang stufftoy sa kanyang kamay. Siya si Autumn Karelle Fuenties na napaka childish.

"Hi! Winter welcome back" normal at mature sa aming apat. Kamukha ko rin sya pero isa itong nerd pero hindi mahilig magsuot ng salamin. Nerd, I mean nasa libro lagi nakatutok kaya napakataba ng utak niyan. Si Summer Vielle Fuenties let's just say seryoso ito sa lahat na bagay.

And My name is Winter Mint Fuenties ang pinakamatanda o unang lumabas sa aming apat.

Sabay na sabay na saad nila at yumakap sa akin

"Na miss kita" naka pout na saad ni Autumn na panghuli o bunso sa aming apat

"Di kita miss" I teasingly said to her na ika pout pa niya

"Kumusta kana Yelo?" tanong ni Rain na pangalawa o sunod sa akin ng tatlong minuto

"Fine." ikling tugon ko at kinuha niya ang mga gamit ko at naghukay kung anong laman.

"Wala bang pasalubong diyan?" Si Summer pangatlo sa aming apat sa limang minuto at nakihukay rin kasama si Rain sa mga gamit kong dala. What the ー ako ba hinihintay nila? O ang pasalubong ko sa kanila?

" Mamaya niyo na tadtarin ng tanong ang kapatid niyo. Kumain muna tayo at para mapagpahinga ka narin Winter." rinig kong sigaw ng Nanay namin mula sa kusina

"K" Matamlay na saad ni Rain at binaba ang mga gamit kong dala nang hinati na nilang dalawa ni Summer ang Chocolate na galing pa sa Amerika

"yeyy! Fooooddd ~" Galak na sigaw ni Autumn in childish tone na ika ikot ng mga mata naming tatlo

"Patay gutom talaga" iling iling na saad ni Summer at sumunod na rin kay mama na nasa kusina

Nang nasa kusina kami bumungad sa amin ang ibat ibang putahe ng mga pagkain sa malaki na oval na mesa at nakita namin ang matamis na ngiti ng Nanay namin habang kumikinang sa saya ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aming apat

"Upo na kayo" gaya nang sabi niya umupo kaming lahat. Umupo ako sa pangalawang upuan sa kanan at nasa gilid ko ay si Autumn nakagitna sa aming dalawa ni Mama. Kaharap ni Autumn si Summer at kaharap ko naman si Rain.

Nagsimula na kami kumain habang daldal nang daldal naman tong si Autumn about sa lalaking nakabangga niya sa France at nagkwento rin si Summer about nangyari sa kanya sa London at tahimik namang nagcellphone si Rain habang ngumuya ng pagkain

Taming The Winter  (Sister Series #1) Where stories live. Discover now