Chapter 89

1 0 0
                                    

Heara's POV

Jungkook drove me back home. "I hope you enjoyed this night, kahit ganun ang nangyari." Sabi ni Jungkook nang makarating kami sa bahay.

"Hmm.. I did. It's my first time after all." Sabi ko at ngumiti. "Thank you for the experience, pero talaga, hindi ako bagay sa mga ganun hahaha."

"Pffft. Don't me Heara. Mas maganda ka nga compared sa mga babaeng pumunta dun eh."

"Nambobola ka na naman, uuwi na ngalang ako, may pahabol ka pa." Sabi ko sabay batok sa kanya.

"Hahaha. So pasok ka na?" Tumango ako. Bumaba na siya nang kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Kahit kelan talaga e.

"So paano, see you tomorrow?" Jungkook asked me.

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Linggo bukas. Walang pasok."

"Ayaw mo ba akong makita?"

"Hmmm.." I said and shrugged.

Napa pout naman siya. "Hahahaha." Tawa ko sa kanya.

He chuckled with me. "Sige babye na."

"Sige po, ingat ka. Thank you ulit." I said and smiled.

"You too, sige na pasok ka na. Don't overthink things." Paalala niya sa akin.

"Yes po." Sabi ko sabay agree with two thumbs up.

After that Jungkook drove away. I must be a fool. Kasi gusto ko pa ring maghintay sa kanya kahit walang kasiguraduhan tong ginagawa ko. I badly want to talk to him.

Nang maiwan na akong mag isa sa harap ng bahay, I opened my phone again to check if nagreply na ba siya. Pero ni isang text man lang wala akong natanggap.

I texted him again hoping na sana naman makausap ko na siya. Hindi ko alam kung papayag siyang makausap ako, hindi ko naman na siya nakakausap lately eh.

Damn, I don't even know kung mababasa niya to or what. I just feel like I need to wait.

To Bipolar Alien: I'm already home. Pwede bang ikaw nalang pumunta sa akin? I'll be waiting here.

Sent 11:15 PM

After texting him, inalis ko na yung heels na suot ko. Kanina pa kasi masakit yung paa ko eh. Ang hirap ilakad.

I never bothered going inside the house. Dumiretso nalang ako across the street at umupo dun sa gilid ng kalsada. I sat there. Habang naghihintay.

Darating kaya siya? Hindi ko alam kung hanggang kelan ako maghihintay. Pero all I feel is that I just need to wait. Bahala na.

The dark sky was slowly fading away. Unti unti ko nang nakikita yung mga stars sa langit. The make me feel at ease. Everytime I look at the stars, I can feel like I'm not all alone. It's like I'm so connected with them. Napapangiti nalang ako nang unti unti nang nagsilabasan ang mga bituin sa likod ng mga makakapal na ulap.

The starry night will always be beautiful.

May malaking puno nga rin malapit dito sa inuupuan ko. Maya maya, nabobore ako, lilipat naman ako dun sa root nung puno. Dun naman ako uupo. Tapos hindi rin ako nilulubayan ng mga lamok at insekto. Kaya ayun palipat lipat ako.

Patience Heara, marami ka nun.

I watch as some cars passes by hoping isa sa kanila ang huminto sa harap ko. Why am I waiting for someone na baka hindi dumating? I'm really insane.

Aish. Tapos naka puti pa akong damit. Wala na ring mga tao ang nasa labas ngayon, bilang nalang yung mga dumadaan. Tapos yung ilang taong yun akala ata nila white lady ako. Tumakbo sila eh. Hindi kaya ako mapagkamalang white lady ng mga white lady nito? Aish. Baka lapitan ako ng mga ibang white lady kasi baka akala nila multo rin ako? Fudge, takot pa naman ako sa multo. Ya! Eto na naman ang pag ka weird ko, hayst.

To Bipolar Alien: I'll still be waiting Taehyung. :)

Sent 11:30 PM

Sa totoo lang, parelax relax lang ako rito pero hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko kapag dumating siya.

Should I practice now?

"Uhmm.. Ano.. I just want to say something na dapat sinabi ko na dati pa. I love you." Napakamot ako sa ulo. Mali, ang pangit.

"Taehyung! Buti naman dumating ka na, alam mo bang ang tagal kong nag antay rito para lang sabihing mahal kita!?" Ughhh too straightforward.

"Oi alien, I love you?" Nah, masyadong maiksi.

"Sorry.. Alam ko gabi na, pero kasi, I need to confess something. I love you and I'm so sorry for falling."

Aish. Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

I don't even know how to start.

Haist, bahala na nga. Impromptu edi impromptu. Basta, kung hindi man niya matanggap, it's fine. Pipilitin kong hindi maiyak sa harap niya. Ang mahalaga masabi ko na sa kanya. I shouldn't also expect anything from him. He has Katlyn now, at di ako pwedeng makigulo pa. Tama na yung masabi ko lang sa kanya na mahal ko siya, para naman mawala na yung bigat ng nararamdaman ko.

I waited in silence. It's already passed midnight pero ni anino ni Kim Taehyung walang dumating.

Hanggang kelan ko kaya kakayaning maghintay?

BTS: BATTLING TO SUCCEEDWhere stories live. Discover now