Prologue

88 10 6
                                    

Scarlet's POV

If you feel like your life sucks to the point that you already wanted to die, then you should know my story.

Sa sobrang malas ng buhay ko ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nagpapakalunod sa alak.

Fuck love! Fuck family! Fuck them all!

Wala na akong ganang umuwi sa mansyon, wala rin naman akong ibang madadatnan doon kundi ang pamilyang hindi ako kailanman itinuring na kadugo.

"Isang tequila pa nga." Wika ko sa bartender habang papikit-pikit na ang mata sa sobrang kalasingan.

Hindi naman talaga nila ako kadugo. I'm an adopted daughter.

Uminom ako ng uminom hanggang sa hindi ko namalayang naubos ko na pala ang alak na kakaorder ko pa lang. Hindi ko naman talaga ugaling magpakalasing. In-fact, conservative ako na tao. I hate drinks and such, not until the world decided to throw all the pain on me.

Ano nga ulit ang rason ko kung bakit ako nandito?

At bakit nga ba ako nandito?

Oh. Right. Naaalala ko na. Oo nga pala't durog ako. Durog na durog ang puso ko. Gusto kong makalimot, gusto kong maging manhid.

Tsk. Mapakla akong natawa.

That jerk! Walang hiya sya! Paano nya nagawang lokohin ako? At bakit sa kapatid ko pa? Ang kakapal ng mga mukha nila!

Tumulo ulit ang mga luhang buhat ng pagtataksil ng aking nobyo at kapatid.

"We already been together for four years, but still, you won't even let me have a kiss? Now, tell me. Bakit paba ako magtyatyaga sa'yo? You're way too conservative!"

Right now, parang gusto ko nang mawala. Alam mo 'yon? Yung feeling na nag-iisa ka lang, walang kakampi, wala kang masasandalan sa mga panahong mahina ka.

In normal circumstances, ang una mong dapat sandalan at kuhanan ng lakas ay ang pamilya mo.

Pero iba ang takbo ng buhay ko.

Ibang-iba.

Paano ako matutulungan ng pamilya kong buuin ang bawat piraso ng sarili ko, kung mismong sila rin ang dumudurog nito?

"Our company is sinking, Rogelio! Ano ba? Mag-isip ka nga! Ang tanging makakasalba nalang sa'tin ay ang matandang 'yon."

Naalala ko ulit ang mga salitang binitawan ng ni Mama kay Papa. Isa sa mga bagay na hinding-hindi ko malilimutan kailanman...

Those hurtful words that tore me apart.

At ang pagbebenta nila sa'kin.

"Isa lang naman ang gusto nyang kapalit eh, si Scarlet. Sya lang at paniguradong babalik din sa normal ang buhay natin. Kailangan maipakasal natin sya sa saksakan ng yamang matandang 'yon. Talagang aahon tayo at babalik ulit sa himpapawid."

Sa uri ng pananalita ni Mama, halatang hindi nya ako kailanman itinuring na anak. Ang makarinig ng mga ga'nong salita sa mga taong itinuring mong mga tunay na magulang ay ang pinakamasakit sa lahat. Oo, ampon lang ako. Pero hindi ko naman siguro deserve ang ganito, di'ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Making Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon