Chapter thirty nine

15.6K 459 40
                                    

Mataam na nakatitig si Dominic kay Jaslynne na kinabilis naman ng tibok ng puso ni Jaslynne. His intense eyes were staring at her as if he's memorizing every detail of her face.

Patago at palihim na napalunok si Jaslynne ng maramdaman ang pag init ng pisngi dahil sa makapanindig balahibong titig nito sa kanya. Hindi pa din nawawala ang kilig niya sa asawa, pakiramdam ni Jaslynne ay mas lalo pa nga iyong lumala.

Nagwawala ang puso nya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Kinagat nya ang pang ibabang labi saka pinagpatuloy ang pag kain.

Dominic's hand lifted and reaches the side of her lips wiping off the sauce of dry noodles she's eating at the moment.

Humaba ang nguso nya dito. Habang lumilipas ang bawat araw imbis na mawalan ito ng gana sa kanya ay kabaliktaran ang nangyayari.

Bawat oras na magkasama sila ay pa-sweet ito ng pa-sweet, na sa bawat minutong lumilipas mas lalo sya nitong trinatratong parang isang mamahaling diamante.

That sweet, gentle and lovable actions of Dominic is making her fall for him even more deeply.

Nginitian sya nito ng hindi nya namalayang nakatitig na pala sya sa gwapo nitong mukha nahawa sya sa ngiti nito.

Dominic's white teeth are showing so his dimples on his both cheeks. He is just so handsome to be true and she's lucky to have him as her husband.

Dominic chuckled when she gave him a smile, Dominic's hand that is still on the corner of her lips went to pinch her cheek.

Tumayo ito mula sa kinauupuan nito at umuklo para ilapit ang gwapo nitong mukha sa mukha nya. Pinaglapat nito ang tungki ng mga ilong nila bago marahang iniling ang ulo dahilan ng pagkiskis ng dulo ng mga ilong nila.

That sweet gesture did make her heart beat ten times faster than earlier. Binigyan sya nito ulit ng malapad at matamis na ngiti bago inilapat ang labi sa labi nya para patakan sya ng matamis na halik.

"I love you" Dominic said before dropping a sweet kiss on her forehead. Then he kissed the tip of her nose "I love you." And lastly kissing her lips passionately. "I love you so damn much."

Lumamlam ang mga mata nyang nakatingin lang dito.

Happiness is so overwhelming that she feels like crying. Tumayo sya mula sa kinakaupuan nya at nilapitan ito para sugudin ng yakap.

"I love you too much too, My Attorney."

NAKASIMANGOT SI JASLYNNE habang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Dominic na nagbibihis sa harap nya. Pagkatapos ng matamis pangyayaring yon sa sala kanina may tumawag dito at nagsimula ng maging aligaga ang lalaki.

Ni hindi sya nito tinatapunan ng tingin sa sobrang pagkabusy nito.

Mahaba ang ngusong nilapitan nya ito ng makitang nahihirapan iton isuot ng maayos ang kulay pulang necktie nito.

Nilapitan nya ito at tinulungan itong maisuot ng maayos ang necktie nito pero si Dominic ni hindi manlang nagpasalamat at basta nalang hinablot sa ibabaw ng kama ang coat nito ng matapos nya itong tulungan at nag mamadaling lumabas ng kwarto.

Napasimangot sya at kusang napuno ng luha ang mga mata nya sa pagtatampo dito kanina lang ay ang sweet sweet nito tapos ngayon para na syang hangin.

Binabawi na nya. Hindi na ito sweet hindi na din ito gwapo.

Pabagsak syang nahiga sa kama ng marinig nya ang pag bukas sara ng pinto ng penthouse ni Dominic. Nagtulakbong sya ng kumot at maluha luha ang mga matang mahaba ang nguso na nakatulala lang sya.

Nagtatampo sya at hindi nya ito papansinin kahit kailan simula ngayon.

How dare he ignore a goddess like me?! Pagmamaktol nya sa isip bago natigilan. Pano kung babae pala ang tumawag dito— no she really heard him talking to a woman on the other line!

What's The Law Of Love, Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon