Chapter 9: Dark Hallway

2K 110 70
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

Binuksan ng satyr ang pinto sa harapan ko. "This will be your room for the time being, Ms. Kasdeya Argyros. Deputy Commander Castello specifically asked to prepare you a room in the main building."

I crumple up my nose at the amount of light coming from the room. Dito muna ako tutuloy hangga't hindi pa ako nakakapagdesisyon... o nakakatakas.

After the whole 'Descendence Rites' fiasco earlier, a satyr came and found me. Mabilis niya akong inalis doon para dalhin sa left wing ng second floor sa main building.

From what I learned earlier, malapit daw ito sa infirmary kaya may mga bedrooms na pwedeng puntahan ng demigods. Contrary to what I expect, it isn't as grand and over-the-top as the entire interior of the building.

Gawa sa cream wallpaper at wood ang mga pader, pati ang sahig ay kahoy din. Though it doesn't look like normal wood. It's polished beyond perfection and when the light coming from the two crystal chandeliers hits it, you can see it slightly sparkle in gold.

Walang masyadong laman sa loob kundi ang isang pintuan na nasa gilid ng kwarto, isang cabinet sa tabi nito, at sa gitna naman ay may malambot na kama at bedside table with a lamp. Ang ilalim ng kama ay pinaliligiran ng puting fur carpet.

Nang makaapak ako sa loob, yumuko ang satyr sa akin. "I will leave you in your room. We wish that you have a lovely stay, Ms. Argyros."

Pagkatapos mamaalam ay lumabas na siya ng kwarto, hindi nakakalimutang isarado ang pinto sa pag-alis niya. I roll my eyes at the door.

Lovely stay, my ass. Hindi ako mapapakali hangga't nasa Acropolis ako. I'm stepping inside an Alastorian territory and worst of it all, one of them is here, who just so happens to be another pain in the ass like the gods.

Nakatingin lang ako sa kama. At sa isang iglap, tumatakbo na ako palapit doon. I jump towards it and plant my face on the soft mattress. After the everything that happened today, this feels like heaven.

Even the beds in the orphanage isn't as soft and bouncy as this. Parang nalulusaw ang katawan ko sa itaas ng comforter.

Umayos ako ng pagkakahiga. I turn over and stare at the ceiling illuminated by the bright lights coming from the chandeliers. My mind starts to wander.

Tinaas ko ang aking kamay para makita ang aking palapulsuhan. The silver bracelet speckled with tiny moonstones surrounding it dangles from my wrist. Kuminang ang ilang bato sa tuwing ginagalaw ko ang aking kamay para makita ito ng mabuti.

Sa pagtagal ng titig ko rito, hindi ko maiwasang maisip ang buhay na iniwanan ko sa mundo ng mga tao.

I can't believe this. Naging pabaya ako sa nagdaang buwan dahil hindi ako hinabol ng Katharsis. I'm always watching my back, that's practically my instinct now, but I let my guard down too low.

Kung naging maingat ako sa Katharsis pati na rin sa Acropolis, hindi ako maiipit sa ganitong sitwasyon. This is all my fault, I walked towards their hands because I forgot about them.

Hindi ko inakalang hahanapin ako ng Acropolis. Other than the small interaction I had with Paris and the others when I escaped years ago, hindi ko sila nakaharap ng mabuti.

How did they even find me or know about my existence? Pati na rin ang relasyon ko sa Katharsis, paano nila nakalap ang ganoong impormasyon?

At kung lumabas ako ng bansa, malayo sa mga teritoryong tinatapakan ng Alastorians at Katharsis, hahanapin ba nila ako, at kung oo, mahahanap ba nila ako?

I take a deep breath, my sigh is the only sound inside the entire room. Buong araw akong hihiga rito kung hindi ko lang kailangang maghanap ng paraan para makaalis.

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon