Siguro, Hindi Na

318 2 15
                                    

- Start -

“Ang mga oras na lumipas na, kailanman ay hindi na maibabalik pa.”

“It’s been a while.”

Matamis na ngiti ang awtomatikong gumuhit sa aking mga malabi ng datnan kita sa dati nating tagpuan. Ang lugar kung saan inaamin mong mahal mo na rin ako. At ang lugar kung saan wala akong ibang magawa kundi ang paulit-ulit na magparaya.

“Ushi-chan…”

Bakas ng luha ang iyong mga mata nang muli mo akong tawagin sa palayaw ko na tanging ikaw lang ang may karapatang tumawag.

“I guess it’s true. Seeing you here all sweaty, you must have run all the way here.” You said that made me speechless. You let out a painful smile and looked away from me.

I sighed and sat beside you after hearing the same thing so many times now. Just seeing your confused and disheveled appearance, I knew that they told you about it. No one dared to speak at first and we just let the night breeze brought by the first month of the year, brush gently in our faces.

“Do you still think of me? Do you still love me?” Tanong mo na pumutol sa katahimikang bumabalot sa ating dalawa. Hindi ako sumagot at tinitigan ka lang. Ngunit sa isipan ko ay malaya lang na dumadaloy ang lahat ng nais kong sabihin sayo..

Oo. Naiisip, iniisip at nasa isipan lang kita. Hindi ka naman nawala. Lahat ng alaalang meron ako na wala ka, lahat yun nakatatak hindi lang sa isipan ko, maging sa puso ko ay naroon 'yon lahat.

At sa tuwing naaalala ko ang mga sandali na kasama kita…hindi ko mapigilang matawa. Hindi ko maiwasan ang malungkot. Hindi ko mapigilan ang manghinayang. Hindi ko masupil ang sakit at hindi ko mapigilan ang pag-luha.

Limang taon na rin. Limang taon mula nang huli tayong magkita. Mula nang tanggapin ko ang pagkabigo. Mula nang palayain kita. Dapat ay sapat na ang mga panahon na iyon para kalimutan ka. Kalimutan ang nararamdaman ko. Kalimutan ang mga alaala mo. At dapat ay tanggap ko nang, ang kabanata sa buhay mo na dapat ako ang kasama mo ay tapos na.

Pero mahirap din pala. Hindi ko magawa. Hanggang ngayon ay naroroon pa din ako sa panahon na ako pa rin ang mahal mo. Naiwan akong nag-iisa sa lugar kung saan tayong dalawa ang dapat na magkasama. Huminto ang oras nung nawala ka. Nung nawala ang masasaya nating alaala.

Ang hirap pala. Ang hirap kalimutan ng mga ngiti mong walang kasing-tamis sa aking paningin. Ang hirap kalimutan ng tawa mong nakakahawa. Ang hirap kalimutan ng mga labi mong kasing-lambot ng bulak, mga yakap mong nagpapainit ng gabi. At ang tatlong salita na syang laging bungad mo sa akin sa pag gising sa umaga at bago ang pagtulog sa gabi.

Dapat ay limot ko na lahat ng iyon. Dapat ay napalitan na ng iba ang alaala mo…ang alaala natin dalawa. Pero bakit nga ba hanggang ngayon ay di ko magawang kalimutan ka. Gaya ng hindi mo nagawang kalimutan sya? Bakit hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ako sa alaala mo? Ikaw ba? Naaalala mo pa ba ang mga sandaling kasama mo ako? Naalala mo pa ba ang mga panahong ako ang mahal mo? Nandyan pa ba ako sa puso’t isipan mo?

Siguro, wala na.

Tanda mo pa ba yung araw na sinubukan kong buuhin ka? Yung araw na sinabi kong mahal kita? Yung araw na pinilit kong ibalik ang kinang ng ‘yong mga mata? Yung araw na pinangako ko sa sarili kong aangkinin kita…na papahalagahan kita, bagay na hindi mo naramdaman sa kanya? Yung araw na ipinagako kong kailanman, sa piling ko ay di ka na luluha pa? Naalala mo pa ba?

Siguro, hindi na.

Eh yung gabing sinabi mo sa akin na mahal mo ako? Sa lugar na to’, pinagdugtong ni kupido ang palasong nakatarak sa puso mo at sa puso ko. Napakasaya ko nun. Hindi ko inakalang maangkin ko ang walang kasing kinang na bituwin na gaya mo. Hindi ko inakalang, matutupad ang dati ay isa lamang pangarap. Ang mapasakin ka…ang maangkin ang matamis mong ‘Oo’…ang marinig ko sa mga labi mong mahal mo din ako. Mga katagang sa panaginip ko lang naririnig. Tanda mo pa ba?

Haikyuu!! BXB One Shot CompilationsWhere stories live. Discover now