CAPITULUM 59

66 8 1
                                    

59 | Flames Of Heart

BLANKA ALMIRA'S POINT OF VIEW

A flood of memories came rushing back as I looked at the shore. Naroon si Roze sa dalampasigan, nakaupo sa buhanginan at nakatitig na naman sa kawalan. Nakaramdam ako ng panlulumo nang makita ko ang dating Roze sa kaniya.

Humigpit ang kapit ko sa tasa ng kape.

Last year, I was so certain that she could overcome her problems because she has changed. Napuno noon ng galit ang puso niya kaya nawala siya sa sarili at nag-iba ang ugali. Hindi ko iyon kinabahala dahil nakikita kong nakakatulong iyon sa pag-ahon niya at paglaban niya sa buhay.

Ngunit ngayong taon na pumasok na kami ng Terra Reale, napakaraming pagbabago.

Months passed by and I can gradually see the comeback of her old self. Iyong mahina, walang lakas, at sirang-sira ang pagkatao. Naalala ko pa noon na hirap na hirap din siya, pero kahit paano ay nakakausap naman nang maayos.

Ngayon pakiramdam ko, kapag kinausap ko siya, lalabas lang sa kabilang tainga niya ang mga sasabihin ko. Ayos lang kung tumagal ng isang araw. Pero umabot ng isang lingoo. Buwan...

Naalarma ako. Her old self is killing me. Well, of course, including the mixture of her bitch side sometimes. It was quite annoying and tiring. Pero hindi ko na nakikita iyon sa mga mata niya ngayon.

If anything, I can only see the lost one as the only survivor in this phase. And whenever I think about it so deep, it creeps me out. A bitch mad woman...is hiding inside a soft little girl with innocent but killer eyes.

I know she's weak. Walang halong biro pero mahina talaga si Xiafezin Roze kumpara sa iba. Lampa at iyakin mula pa noong mga bata pa lang kami. Maganda at matalino, pero sobrang hina naman ng puso. And the crazy thing is, that's what even make her dangerous. Her heart.

Pampalubag-loob na lang yata na maganda ang itsura niya at magaling sa school para hindi sobrang kawawa sa reyalidad.

Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari kapag nagpatuloy ito. Pagkatapos ng pagluluksa na ito dahil namatayan siya ng anak, babalik ulit ba siya sa dati? Iyong...hindi na nakikilala ang sarili? Iyong...panay ang inom ng pills? Iyong...manhid at wala nang pakialam?

Dahil sa totoo lang, mas gusto ko iyong patagong nasasaktan siya. Kasi kahit ganoon, nakakangiti pa siya noon! Kahit napipilitan lang. Kaysa ngayong ganito na harap-harapang nakikitang nasasaktan siya at hindi na makangiti kahit nahihirapan.

Buhay pa siya pero...para na siyang patay!

Can I really blame her? She suffered both physically and mentally. Kaya naiintindihan ko kung ang magpanggap na masaya ay napakahirap nang gawin ngayon para sa kaniya.

"Blanka."

Napalingon ako kay Kendall nang tawagin niya ako.

"Lalamig na ang kape mo."

Hindi ako umimik. Parang lumabas lang din iyon sa kabilang tainga ko. Binalik ko ang tingin kay Roze at nakitang nasa ganoon pa rin siyang ayos. Hindi gumagalaw.

"Isang linggo na ang lumipas, pero ganiyan pa rin siya," si Marshall sabay pilit na tawa.

Ewan ko kung bakit niya iyon ginawa. Kung para ba asarin kami o...para pagaanin ang mabibigat naming kalooban habang binabalot kami ng matinding katahimikan.

"Ano nang gagawin natin?" wala sa sariling tanong ni Kendall.

Naririnig ko ang maingay na kalansing ng paghahalo niya ng juice. Nagkatinginan kami ni Marshall at tahimik akong umupo ulit sa upuan.

FLAMES OF ROZE | Season 1 | TRS#1 [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora