Chapter 5

2 0 0
                                    

"Never lose sight of what's important. Smile through the war and be the inspiration of those who fight."

-Carrie Castillo's Quote

Ilang weeks na din since I've been here in the island. Kami nina Tita Guia at James, pinangalanan namin yung island na Isla Integrite which means "Island of Integrity" which can only mean that whatever was done or said in the island, stays there.

James and I had a lot of fun riding on my yacht while playing Snakes & Ladders, and whoever loses will jump down the water. We also did some diving. Of course I bested him because I've won a lot of diving events when I was in high school.

Occasionally, he would come to the house to cook for us. Puro kami tawanan nina Tita Guia pag pumupunta siya dito.

Minsan, inaaya niya ako sa movie marathon kasi he has a theatre room just beside his gym. May sleep over din kami sa kaniya pero walang malisya. Mabait siya and he never does anything kung walang approval ko.

May respeto siya sa mga opinyon ng tao kahit madalas siyang loko-loko. Ngayon, nanonood kami ng Ever After High na series sa theatre niya.

Who knew na ang twenty-five-yearold na chef ay magkaka-crush sa isang cartoon character na anak ng Mad Hatter named Madeline Hatter?

"No Madeline! 'Wag mong palitan 'yang cafe mo! It's perfect just the way it is," sigaw niya sa screen.

"No! Not the dimensional doors! I-keep mo 'yan!" sigaw niya ulit nang alisin ni Madeline ang mga dimensional doors sa cafe niya.

"As if naman na maririnig ka ni Maddy. Manood ka na lang kaya! May happy ending naman eh," sabi ko habang natawa.

"Walang ending! Sabi nga nila, 'the end is just the beginning' diba?!" sigaw niya sa mukha ko.

"Eh bakit ka sumisigaw?!" sigaw ko din sa tenga niya.

Sasagot pa sana siya kaso biglang nag-ring yung phone ko. Sinagot ko naman agad kasi si Mommy yung tumatawag.

"Yes?" tanong ko.

"Ris, anak, kailangan mong umuwi. Inatake sa puso ang Daddy mo," sabi niya. Nanlaki naman agad ang mata ko at kumabog ng malakas ang puso ko.

"Sige wait lang Ma. Antayin niyo ako," sabi ko muna bago ibaba ang call.

Tumakbo ako palabas sa theatre, pabalik sa bahay ko. Gabi na kaya nagmadali akong nagbukas ng flashlight sa phone ko bago pa man ako makalabas ng bahay ni James.

"Jae! Jae! Anong nangyayari?!" sigaw niya sa'kin habang sinusundan ako sa pagtakbo ko.

"Si Dad, naatake sa puso, I have to go home!" mangiyak-ngiyak kong sinabi.

"Jae, gabi na. It's too dangerous," sabi niya habang hinahablot ang kamay ko.

"Oh for crying out loud, it's my father James!" sigaw ko sa kanya.

"Give me your phone," sabi niya nang mahinahon.

"What?" pagalit kong tinanong.

"Give me your goddamn phone Arissa," sabi niya nang matigas. Napilitan na lang akong ibigay ang phone ko sa kanya. "Here, I'm calling your Mom. Tell her that you'll be flying there with me tomorrow, yeah?"

"What? Bakit bukas pa?! May emergency today!" sigaw ko ulit sa kanya.

"Gusto mo bang mag isa pang maospital sa pamilya mo?" tanong sa'kin. Pagalit kong kinuha yung phone sa kanya.

The Shining Glory of the QueenWhere stories live. Discover now