After ANIKA BLAIRE SUAREZ experienced her first failure from the biggest exam of her career as a chemist, her plans were put to sudden halt. Dahil sa matinding sama ng loob at kahihiyan, pinili niyang mag-mukmok sa kanyang kwarto sa loob ng tatlong buwan. Sa pag-pipilit ng kanyang ina na sumama siya sa 80th birthday ng kanyang Lola Odette sa probinsya, hindi niya inasahang muli silang mag-kukrus ng landas ni Mateo, ang laging 2nd honor ng klase nila sa elementarya. Sa sobrang kakulitan at pagpapa-pansin ni Mateo ay hindi namalayan ni Anika na unti-unting nahuhulog ang loob niya sa binata dahil na rin sa madalas na pagkasama nilang dalawa. Lantarang isinampal sa kanya ang katotohanang hindi siya nababagay kay Mateo matapos siyang ipakilala sa Lola nito. Nilisan ni Anika ang lugar na dala ang kirot sa kanyang puso. Sa muling pagbabalik sa kanilang tahanan, hahayaan na lang ba ni Anika na malugmok sa self-pity o matutunang mahalin ang pagkabigo at muling harapin ang lahat? Magkakaroon pa kaya ng pagkakataon si Mateo na maging bahagi ng buhay niya? Copyright © 2021 by Lovecca.