"Martir.... Tanga...." ilang beses ko nang naririnig sa mga taong malapit sa akin pero gaya ng nakagawian ko pasok sa kanan labas sa kabila.. Wala eh, sobrang mahal ko ang babaeng pinakasalan ko ~ Ang asawa ko... Ang babaeng nakabihag ng mailap kong puso... Ang babaeng asawa ko lang sa papel dahil isa lang kaming biktima ng 'arranged marriage' ang kaibahan lang ako mahal siya pero siya ay may maha na iba. Akala ko kaya ko pang tiisin ang sakit dahil umabot na ako ng apat na taon na nagtitiis... umaasa na balang araw mamahalin din niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya pero gaya ng isang sinulid may hangganan din.. Kahit na gaano ka pala ka-martir mapapagod ka din dumating na ako sa point na naawa na ako sa sarili ko ag mas matimbang pa ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa saya sa puso ko. Ayoko mang baliin ang pinangako ko na 'Till death do us part' pero nabasag na ang helmet ko at mas pipiliin ko pang hiwalayan siya kaysa naman aabot na naman ng isang taon dahil mas lalong masakit kapag matagal. Sabi nga nila wag panghinayangan ang tagal ng pagsasama kung hindi kana masaya... Sana dumating naman ang taong ako naman ang papahalagahan na siya naman takot na mawala ako.. yung taong nakikita ang halaga ko. Ako nga pala si Hale Lian Karlsson ang maganda pero malas ata sa pag-ibig.