Started: June 17, 2021 Ended: Akala ni Zyair Rois Ford Elejann ay siya na ang pinakamatapang at hari-hari sa campus nila. Hanggang sa dumating ang isang araw, nabago ito nang makabangga niya ang bagong kaklase sa mismong classroom nila. Ang nag-iisang taong nagtangkang upuan ang personal niyang chair at pinagpatungan pa ng ulo sa table niya habang natutulog. Lutang ang babae at parang walang alam sa paglabag nito sa pinakaayaw niya. Hindi lubos akalain ni Zyair na sa simpleng pagsipa niya sa table at chair ay makikilala niya ang babaeng magiging katapat niya. Hindi lang siya tatapatan kundi lalagpasan pa siya. Bagay na hindi nakasanayan ni Zyair sa buong buhay niya. The person he hates the most will make him realize what a beautiful and simple life is. Do not copy, plagiarism is a CRIME! ©️All Rights Reserved FrostySnow❄