Miyu Fujiwara is supposedly going to Boston for a vacation. Kasama niya ang kanyang personal butler na si Cube pagpunta sa Osaka International Airport upang maghintay ng kaniyang flight. Ngunit, isang kahina-hinalang lalaki na may suot na itim na hoodie ang umagaw sa kanyang atensyon. Sa takot na baka may nakakaalam sa kaniyang pag-alis ay hinabol niya ang naturang lalaki. Pero sa kakahabol niya dito ay natagpuan nalang niya ang sarili na nakasakay sa isang private plane at kasalukuyan itong lumilipad pahimpapawid. Ilang oras lang ay dumating na siya sa isang destinasyon. Hindi sa Boston kundi sa Pilipinas - ang lugar kung saan pinanganak ang namayapa niyang ina. Dito iikot ang kanyang kwento. Makikilala niya ang taong naging bahagi ng kanyang nakaraan - nakaraan na pilit niyang kinalimutan sa paglipas ng panahon. Si Tristan Louie Meridelle o mas kilala bilang ' Ace ' ay leader ng isang sikat na gang sa kanilang lugar : ang Vermilion gang na binubuo ng pitong miyembro. Known to be spoiled, what he wants is what he gets at sanay na hinahangaan ng marami dahil na rin sa angkin nitong kagwapuhan, lakas at kakayahan sa pakikipaglaban. Sa pagkikita nila ni Miyu, isang alaala ang pilit pumapasok sa kanyang isipan. Alaala na hindi niya alam kung saan at kailan nangyari. Ngunit ang tanging alam niya lang ay sa tuwing magkasama sila ni Miyu ay nalalapit din siya sa taong matagal na niyang hinahanap at makatunggali ulit - si aka Black Rabbit, a legendary gangster who can beat numerous gangster in a second. And as the story goes on, secrets slowly unfold that link them to one another. Coincidence nga ba ang kanilang pagkikita? Or was there someone out there manipulating them from the very start?