Chapter 7 - What The Heck Is Going On?!

77.6K 1.1K 69
                                    


Miyu's POV 

"Dito tayo sa counter ma'am."

Sumunod ako dito at tumungo sa counter.

"190 pesos."

Kumuha ako ng 200-peso bill sa bulsa at inabot ito sa crew. Nakangiti naman nitong tinanggap ang pera. Siya namang pagbukas ng pinto. At dahil wala pa naman akong ginagawa ay tinignan ko na lang ang mga bagong dating.

Pumasok sa loob ang isang babae at lalaki. Matangkad ang babae at halatang sopistikada. May mahaba at kulot itong buhok at nakakaagaw-pansin ang mga alahas na suot nito. Habang matulin itong naglalakad ay binabati naman ito ng mga crew ng cafe. Umupo ito sa isang table di kalayuan sa tinatayuan ko. Nakasunod naman dito ang lalaki na may katandaan.

"My scholar dropped out again," she said with a sigh. "I badly need a scholar who will last 'til the school year ends or until they graduate."

"No scholar lasts for that long in your university madam. They don't even last for a day or two."

Di naman ako usisera pero di ko naman mapigilang di marinig ang usapan nila. Sila lang kasi ang nag-uusap dito sa loob. 

Pasimple kong nilibot ang tingin sa paligid. Ako lang at sila ang customer ngayon. May dalawa pa sa dulo pero tumayo na ang mga ito at parang aalis na ata.

"I really don't know what is happening, Paul. They always say that they still love their lives. It puzzles me. I don't get it? And the chairman is giving me until next week's deadline to look for a replacement. If bullying is the problem, they could have reported it to us."

"So what's your plan?"

"I need a replacement. A highschooler who is brave enough to defend herself against the bullies. Right now, I don't really care about the grades or how intelligent she might be. What I need is someone who don't easily quit. Someone who lasts until the end."

"Anyone's in your mind right now?"

"No...."

Ang laki naman ng problema nila.

"Here's your strawberry milkshake, ma'am!"

Napabalik sa counter ang tingin ko. "Uwaah! Arigato!"

Kinuha ko dito ang aking strawberry milkshake in plastic cup at tinikman ito.

Uwaah! So refreshing!

"Enjoy ma'am!" pahabol nung babaeng crew.

Nag-bow ako dito at tumalikod na sa counter. Now, ano nga ulit ang gagawin ko?

Sakto namang bumukas ang pinto ng cafe at may pumasok na dalawang lalaki. Isang matangkad na nakasuot ng cap at isang maliit na payatot na puno ng tigyawat ang mukha.

Bigla nalang naglabas ng baril ang mga ito.

"ITAAS NIYO MGA KAMAY NIYO! HOLDUP 'TO!"

"Oh my God!" narinig kog tili nung sopistikadang babae. Napatayo sila sa kinauupuan at mabilis na itinaas ang mga kamay.

"Dumapa kayo! Akin na ang pera niyo!" Utos ulit nung lalaking payatot.

Kapwa sila may dalang baril, pero itong payatot lang ang ma-effort. Yung matangkad na lalaki ay nasa likod lang, nakatayo at nakatingin lang sa amin.

Miyu: The Queen of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon