Chapter 5 - The Mini Racing Tournament

84.9K 1K 35
                                    

Ami's POV

Gusto ko mang samahan muna sa apartment si Miyu pero mas kailangan kong pumunta ng school ngayon. Hindi para pumasok sa klase kundi...

"Ami Kido right?"

Natigil ako sa pag-iisip nang makita ang isang babaeng blonde ang buhok na nakatayo sa aking harapan.

Nandito na ako ngayon sa loob ng school at papasok na sana sa main building nang tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ko siya kilala pero alam niya ang pangalan ko.

"Ako nga. Bakit?"

She rolled her eyeballs, "Rooftop. 8:00 am," sabi niya at saka umalis na.

Saglit akong natigilan at inuunawa ang sinabi niya. Rooftop at 8:00 am? Tinignan ko ang wrist watch ko. 7:45 am palang. Anong gagawin namin sa roof top?

Hinabol ko ng tingin ang babae kanina. Kasama na niya ngayon ang mga kaibigan niya at sabay silang umakyat ng hagdan pataas.

Teka? Mga Sossy Girls 'yun ah?

Naalala ko na! Sinabi ko nga pala sa kanila last week na gusto kong sumali sa grupo nila. Baka tatanggapin na nila ako bilang miyembro ng Sossy Girls kaya pinapapunta nila ako sa roof top ngayon.

Matagal ko ng pangarap na makasali sa grupong Sossy Girls. Kilala ang Sossy Girls sa buong campus dahil sa mga miyembro nitong ubod ng ganda at ubod ng yaman. Actually, marami ng miyembro ang Sossy Girls, yung iba ay mga silent members, which means, makikita mo lang sila once na may social gatherings ang grupo. And if wala, they remained as a normal and ordinary student, PERO nandun parin ang respect na nakukuha nila galing sa mga estudyante for being part of the group.

Maliban pa doon, may chance ka pang makahalubilo ang mga sikat na lalaki sa campus na ito! Lalong lalo na ang miyembro ng Vermillion Gang where ang leader nito na anak ng may-ari ng campus na ito (at crush ko) ay pwede mong maka-date EXCLUSIVELY! And aside from that, oras na magiging miyembro ka na ng grupong ito, magiging sikat ka na sa buong campus. Pwede mo ng gawin lahat ng gusto mong gawin sa mga estudyanteng kaaway mo, whether ikaw ang tama o mali, sa'yo parin kakampi ang buong grupo!

Yes! This is it! I've been waiting for this moment! At kapag magiging miyembro na ako ng Sossy Girls, mapapansin na ako ng prince charming ko. Gyaahh!

Sobrang excitement ang nararamdaman ko ngayon. Hindi na rin ako pumasok sa room at hinintay na mag alas otso.

And when the clock strikes at 8, mabilis pa sa alas kwatro ang pag-akyat ko patungong roof top.

Only to be surprised by this...

"Wear this."

Nagulat ako nang iabot sa akin ang isang kulay pula na ribbon. Looking at it makes my heart beat so fast. Dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin ng pulang ribbon na ito.

"H-Ha? P-Pero bakit-?" gulat na tanong ko sa kanila.

Tatlo lang sila dito sa rooftop. Wala ang inaasahan kong makita sa grupo.

"You wanna sali our group, 'di ba? So wear it," maarteng sagot ni Abegail Tan sa akin. Puno ng kolorete ang kanyang mukha- which makes her look so seductive.

Napalunok ako ng sunod-sunod. Bakit kailangan nila akong pasuotin ng pulang ribbon? Ang gusto ko lang naman ay ang sumali sa grupo nila, hindi maging susunod na bibiktimahin nila!

Mahigpit na napahawak ako sa laylayan ng aking uniform. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang pulang ribbon o hindi.

Akala ko pa naman ay tatanggapin na nila ako sa grupong ito.

Miyu: The Queen of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon