Kabanata II

72 4 1
                                    

Kabanata II

"Mukhang malungkot ang una mong nasaksihang bahagi ng kasaysayan, binibining iyakin," ani ng isang lalaki.

Napamulat ako nang dahil sa kaniya.

"Sino ka?" Pagtatanong ko.

"Paumanhin ngunit may mga impormasysong hindi ko maaaring sabihin sayo. Ang tanging parte lamang ng aking misyon ay gabayan at tulungan ka sa abot ng aking makakaya," hayag niya.

Isang lalaking nakasuot ng itim na jacket, itim na jogger pants at itim na cap.

"Si kamatayan ka ba?" Tanong ko.

"Seryoso ka? Para ba akong si kamatayan dahil sa suot ko?" Napahampas noo siya dahil sa aking itinanong.

"Isa ka ba sa mga magigiting na bayani ng Pilipinas? Uso na ba ang gan'yang pormahan noong mga panahong iyon?"

"Hindi ka lang iyakin, isa ka ring matanong at mausisang binibini," sagot niya.

May kinuha siyang ballpen sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay ikinumpas niya ito sa ere. Sa isang iglap ay bigla na lamang napalitan ang kaniyang kasuotan.

Ngayon ay nakasuot siya ng plain white t-shirt, short at tsinelas.

"Ayos na ba 'to, binibining iyakin?" Tanong niya.

Mula sa balot na balot na kasuotan kanina ay lumitaw ang tindig at taas niya ngayon. Bagay sa kaniya ang mga simpleng pormahan lamang.

Wala rin siyang suot na cap kaya malinaw mong makikita ang kaniyang mukha na angkop sa itim na itim niyang buhok.

"Wait, maitanong ko lang."

"Kanina ka pa kaya nagtatanong," sabi niya at pasimple akong nginitian.

"Tao ka?" Tanong ko.

Napatawa siya at napahampas ang kamay sa noo.

"Tulad ng aking sinabi ay may mga impormasyson akong hindi maaaring sabihin sayo dahil hindi iyon parte ng aking misyon," sagot niya.

"Magician ka ba?" Dagdag ko pa.

"Siguro pwede ko namang sagutin ang tanong na iyan." Lumapit siya sa akin at umakbay.

"Hindi ako isang magikero dahil may mga bagay akong kayang gawin na higit sa kung ano ang kaya nila." Itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking tenga at bumulong. "Maaari kong isara ang bibig mo."

Nahampas ko siya nang dahil sa kaniyang sinabi.

"Virgin lips pa ako at hindi ko hahayaan na----"

"Kalma ka lang, binibining iyakin. Ibang pagsasara yata ang nasa isip mo?" Halata sa kaniya na pinipigilan niya lamang na tumawa.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa kahihiyan.

"A-ano kasi..."

"Huwag ka nang magpaliwanag pa, binibining iyakin. Hindi ko naman gagawin sayo ang bagay na iyon, maliban na lamang kung pipilitin mo ako."

Napatingin ako ng masama sa kaniya.

"Biro lang hehe," pagbawi niya, tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin. "Nasaan ang board game?" Pag-iiba niya.

Ngayon ko lang din naalala. Iginala ko ang aking paningin sa sahig upang tingnan kung naroon ang dice. Nando'n ang dice ngunit wala na sa aking mga kamay ang board game.

"Kanina lamang ay nasa akin iyon," sabi ko.

"Huwag kang maging pabaya kung ayaw mong tumagal dito sa nakaraan." Nagsimula na siyang maglakad. "Kunin mo ang dice at hanapin na natin ang board game of history."

Board Game of HistoryWhere stories live. Discover now