Prologo

106 5 0
                                    

Prologo

"Gustuhin ko man ay ito talaga ang aking kapalaran," mahina niyang wika. Alam kong anumang sandali ay babawian na siya ng buhay.

"Pero hindi pa ba sapat ang salitang gusto upang gawin mo ang isang bagay?" Tanong ko. Pilit kong pinipigilan na bumuhos yung namumuong luha sa aking mga mata.

"Iba ang gusto sa dapat, iba ako kung ihahambing sayo," aniya. Kita ko ang mga butil ng luha na hindi na niya napigilan pa. Tuluyan na itong tumulo sa bigat ng nararamdaman.

"Tulad ng nakaraan at kasaysayan, gusto kong alalahanin mo rin ako mula d'yan sa puso mo." Hinawakan niya ang aking pisnge at pinunasan ang luha na nagmumula sa akin.

"Ngunit tulad din ng nakaraan ay hindi na kita muli pang mababalikan," sabi ko, halata sa tono ng aking boses ang pagpipigil sa luha.

Ngumiti siya, pero alam kong peke lang iyon. Kita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot.

"Tulad ng nakaraan ay magiging bahagi ako. Tulad ng kasaysayan ay tatatak." Unti-unti nang nanghihina ang boses niya dahil sa natamo niyang saksak.

"Tapusin mo na ang laro."

"Kapag ginawa ko yun parang tinapos ko na rin ang tayo."

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Tanging ang hikbi lamang ang pawang maririnig sa paligid.

Binasag niya ang katahimikan gamit ang isang mapait na ngiti. Halata naman sa kaniya na nasasaktan.

"Alam mo? Tulad mo ay hindi ko rin nais na dito magtapos ang lahat sa atin." Napatitig siya sa aking mga mata.

"Ngunit hindi pa man nagsisimula ay nakatadhana na talagang matapos ang tayo." Hinaplos niya ang aking buhok na parang namamaalam na. "Dahil ang larong ito ay paglalakbay ng dalawang magkaibang tauhan sa kwento ng nakaraan at kasaysayan."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong. Tinapunan niya ako ng titig at ngiting taliwas sa kung ano ang tunay niyang nararamdaman.

"Ikaw na manlalaro at ako na bahagi lamang ng mismong larong ito."

To be continued...

Board Game of HistoryWhere stories live. Discover now