Kabanata I

98 4 1
                                    

Kabanata I

Nagpunta kami sa lumang bahay ni Lola sa probinsya para magbakasyon. Lahat ng bagay na naririto ay makaluma at antigo. Para itong isang museo dahil sa napakaraming obra ng mga tanyag na maestro ng kasaysayan.

Sandali akong napahinto nang makita ang mga makakapal na libro na iginuhit gamit ang pluma sa wikang kastila na ang iba ay salin sa lengwaheng baybayin.

I'm not a fan of historical artifact, but this time. A little bit change.

Kahit itong hagdan ay halatang gawa sa yantok na hinulma gamit ang matiyagang pag-uukit.

Nagpunta ako sa taas upang tingnan kung ano ang mayro'n doon. Makikita ang ilang malalaking larawan na hango sa kasaysayan ng Pilipinas.

Mga bayani na handang isugal ang lahat para sa kalayaan. Pamahalaan na binago ng rebolusyon at labanan. Dahas at karahasan na nagbigay ng dugo sa ating bayan. Mga bahagi ng nakaraan na halos kalimutan na rin ngayon ng mga kabataan.

At isa na ako do'n.

Nagtaka ako sa nakasulat sa pinto ng pinakaunang silid dito.

Don't open if you're not interested.

Napakunot noo ako. Okay, fine.

Tatlo lang yung silid dito pero bukod sa alikabok at sapot ng gagamba ay wala namang ibang laman.

Babalik na sana ako sa baba, ngunit napukaw ang aking atensyon nang mabasa ko ulit ang nakasulat sa pinto ng unang silid.

I'm really not interested but the warning statement awakened my curiosity.

Binuksan ko yung pinto. Bumungad sa akin ang isang upuan at lamesa na may kung anong nakapatong sa ibabaw.

Lumapit ako upang kumpirmahin.

Board Game?

Pero hindi ito isang ordinaryong board game lamang. It looks so mysterious.

Tulad ng iba ay mayroon itong dalawang dice. Ang numero na makikita sa board ay nagsisimula sa 1 at nagtatapos sa 100.

Ngunit imbis na snake and ladder ay parang mga simbolo ng mga kaganapan sa nakaraan ang makikita dito.

Umupo ako at hinawakan ang board. Ako'y nagulat dahil biglang may lumitaw na bilog sa starting point nitong game. Parang ito yung magsisilbing game piece o player sa laro.

Anong nangyayari?

Naguguluhan na talaga ako. Lalo pa't sa isang iglap ay naging kulay puti ang board game.

Mula dito ay nag-flash ang mga salita na lalong nagpagulo sa aking isip.

Are you ready to play the Board Game of History?

Umakma akong tatayo, ngunit sa hindi sinasadya ay natabig ko ang dice. Kasabay ng paglaglag nito sa sahig ay ang mismong paggalaw ng bilog patungo sa isang numero. Ito ang makukuha kapag pinagsama ang lumubas sa dalawang dice.

Nagtaka ako, bakit parang may sariling buhay yung board game?

8

Huminto ang bilog sa number eight. Pagkatapos ay namayani ang katahimikan sa buong lugar.

Inabot ko yung dice sa ilalim ng lamesa. Nagulat ako dahil pagtunghay ng aking ulo ay hindi na ako nag-iisa dito sa silid.

Nasa harapan ko ngayon ang isang lalaki na nakabarong tagalog, slacks sa pang-ibaba at itim na sapatos. May hawak-hawak ito na hindi ko sigurado kung balahibo ng ibon o ng kung ano man. Ginagamit niya itong panulat sa isang libro.

Board Game of HistoryWhere stories live. Discover now