Kabanata VI

52 3 0
                                    

Tumigil na sa pag-ikot ang dalawang dice. Ang numero na makukuha kapag pinagsama ang lumabas sa mga ito ay...

10

"You're now reach the half of number in Board Game of History. Be ready, 'cause this time past will fight against you!"

Kinabahan ako nang mabasa ang mga salitang nag-flash dito. Ito ba ang nais sabihin nung misteryosong pintor sa akin. Na ang nakaraan ang siyang aking makakalaban?!

Ang kapaligiran ay napalibutan ng puting usok at hamog. Lumamig ang simoy ng hangin. Nakakahilong amoy. May naririnig akong mga boses na hindi ko mawari kung ano. Bukod sa sobrang lakas nito na sadyang nakabibingi ay parang kusa na ring pumikit ang aking mga mata sa sobrang sakit ng aking ulo.

Nagunlantang ako nang halos alugin ni Seventeen ang aking buong pagkatao. Sobrang lakas niyang tinapik ang aking braso sa puntong kahit sino ay hindi makakatangging imulat ang mga mata.

"Binibining iyakin, gumising ka na. Sa oras na ito ang bawat segundo ay lubhang mahalaga," sabi niya.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at lumingap sa paligid. Inusisa kong mabuti kung nasaan kami. Narito sa isang maliit na silid, may isang kutson at limitado lamang ang mga kagamitan.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Paumanhin ngunit maging ako ay hindi alam kung nasaan tayo. Isa lamang ang sigurado ko, konektado ang mga nakalutang na salita sa magiging takbo ng larong ito." Itinuro niya ang eksaktong lamesa kung saan nakapatong ang board game of history.

May ilusyon sa ere kung saan makikita ang mga nakalutang na letra, animo'y palaisipang na nararapat alamin at tuklasin.

T L S I C M
O R E G O I A
R S D R A

_ _   _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

"Anong ibig sabihin nito?" Naglakad ako papalapit doon at inusisang mabuti.

May nakarolyong papel na nakapatong sa tabi nitong board. Kinuha ko iyon at binasa.

"Mayroon kang tatlong pagkakataon upang ilagay ang tamang sagot, sa bawat isang pagkakamali ikaw ay malalagot. Isang malaking hadlang ang siyang magaganap, nararapat lamang ang siyang matatanggap," usal ko sa nakasaad sa papel.

Ibig sabihin huhulaan ko ang tamang sagot at kapag tumama ay maaari ko nang i-roll ulit ang dice.

Pero, labing-apat na letra lamang ang hinihingi, ngunit labing-siyam ang dapat pagpilian.

"Hmmm?" Napahawak sintido ako na wari'y nag-iisip.

"Alam ko na," sabi ko. Isa-isa kong pinili ang mga letra hanggang mabuo ang aking inaakalang tamang sagot.

C
R G
R S

DO REMIFASOLATI

Biglang may lumabas na ekis, bumalik sa dati ang letra na nangangahulugang hindi tama ang aking hula.

"Sorry, mali pala," panghihinayang ko.

May nag-flash na salita doon sa board game. Pagkatapos ko itong basahin ay napatingin ako kay Seventeen. Binasa niya rin ito, napalingon din siya sa akin na bakas sa mga mata ang takot at pangamba.

"TAKBO!"

Hinila niya ako palabas ng silid. Nanakbo kami at hindi na nagawang lumingon pa.

Nang dahil sa labis na pamumurisit sa pagtakbo ay hindi ko namalayang napahiwalay ako kay Seventeen.

Nagpatuloy na lamang ako hanggang sa may nakita akong pinto. Sa taas nito ay may nakasulat na taguri.

"Canteen ng barko?" Napatanong ako sa aking sarili. Ang ibig sabihin lamang nito, nasa loob kami ng isang barko ngayon.

Binuksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang ilan sa mga pasahero nito na naghihintay ng kanilang mga putaheng kakainin. Pumasok ako rito at umupo sa isang bakanteng upuan na para sa dalawang tao.

Maya-maya pa ay mayroong babaeng lumapit sa akin, inilapag nito sa mesa ang listahan ng mga putaheng maaaring bilhin.

Binasa ko ang deskripsiyon ng mga pagkain nila rito. Ang ilan sa mga ito ay putaheng pilipino na naimpluwensyahan ng kulturang hapones.

"Ano po ang nais niyo?" Tanong nito.

Nilingon ko siya, ngunit naistatwa ako sa aking nakita. Bago ko pa masagot ang kaniyang katanungan ay may iba nang nakagawa.

"Ang nais ko ay pigilan ang taong 'yan na makaalis sa nakaraan!" Hayag niya, sa kaniyang mga mata ay wala kang makikitang kahit na anong emosyon.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa na parang wala sa sarili. Ang kaniyang hawak na espada ay itinusok niya sa dibdib nung babae. Nagtalsikan ang mga dugo mula roon.

Hindi pa siya nakuntento dahil hinugot niya ang espada at ilang beses itong ipinabalik-balik sa iba't ibang parte ng katawan nung babae hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng buhay.

Nagsitakbuhan ang mga tao, pero hindi nila nagawang makalabas dahil mabilis na nagtungo yung lalaking may hawak na espada sa pinto upang harangan ang daraanan.

Itinuro niya ang patalim papunta sa aking direksyon. Pagkatapos ay nagpakilala siya.

"Ako si Magellan, ang naatasang pumigil sa manlalaro na magwagi sa hamon ng board game of history." Ngumiti siya, ngunit sa nakakakilabot na paraan.

"Now, let's play!"

To be continued...

Board Game of HistoryWhere stories live. Discover now