Kabanata III

59 3 0
                                    

"Kailangan mo 'to," sabi ni Seventeen, iniabot niya sa akin ang isang scarp. "Gamitin mong pamahid d'yan."

Kinuha ko iyon mula sa kaniya. "Sorry, hindi ko lang talaga napigilan."

"Ayus lang, halos lahat naman ganyan ang mararamdaman." Binigyan niya ako ng isang simpleng ngiti.

"Ituloy na ba natin?" Tanong niya.

"Ang ano?" Pabalik ko.

"Ang laro," sabi niya sabay abot sa akin nung board game.

Pinahid ko ang luha na nagmumula sa aking mga mata gamit ang scarp. Bumuntong hininga ako.

"Game," sabi ko bago i-roll ang dalawang dice.

Kasabay ng paggulong ng dice ay ang pagdilim ng paligid. Unti-unting nagbago ang lugar na aming kinaroroonan.

Narito kami ngayon sa gitna ng kalsada. Maraming tao dito sa puntong halos hindi ka na rin makakilos.

"Nasaan tayo ngayon?" Nagtataka kong tanong kay Seventeen. Kibit balikat lamang ang isinagot niya.

Nakipagsiksikan kami sa mga tao hanggang makaalis sa gitna nitong kalsada.

Parang mayro'n silang ipinagdiriwang ngayong araw. Sa paligid ay maraming dekorasyon at palamuti na nagbibigay kulay sa buong lugar.

Maririnig din ang hiyawan at tawanan dito na dulot ng kasiyahan na mayroon ang mga tao.

Napahinto kami nang makakita ng pahingahang bangko na gawa sa kahoy. Umupo kami sa magkabilang dulo nito. Magkatalikod at parehong hindi kinikibo ang isa't isa.

Napalingon ako bigla, hindi ko namalayang may lalaking umupo sa aking tabi.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan ng magandang binibining nasa aking harapan?" Tanong niya.

Napatingin ako kay Seventeen na ngayon ay kunot noong nakasulyap sa amin.

Umakma yung lalaki na hahawakan ang kamay ko, ngunit bago pa niya iyon magawa ay napatayo ako dahil sa ginawang paghila ni Seventeen.

"Binibining iyakin, magpokus ka sa laro at huwag gumawa ng anumang ikatatalo mo." Inilayo niya ako dun sa lalaki.

"Pero nakikipagkilala---"

"SHUT UP!"

"Ano bang problema?"

"You're making your own problem. Stop flirting to someone you didn't know much."

"Kaya nga nakikipagkilala, diba?" Pabalang kong sagot.

Parehong kaming napaharap dun sa lalaki, ngunit wala na ito.

"Yung board game?" Napakamot ulo ako. Ngayon ko lang napagtantong hindi ko na pala ito hawak. At ang katabi ko bago iyon mawala ay walang iba kundi ang lalaki kanina.

"See? You made it," ani Seventeen. "Then solve it!" Naglakad siya palayo sa akin.

Tinatawag ko siya ngunit hindi siya lumilingon. Mukhang wala talaga siyang balak na ako'y tulungan.

Hinabol ko siya, pero hindi niya ako pinapansin. Panay lang ang sunod ko sa kaniya na walang ibang ginawa kundi ang maglakad kahit walang tiyak na paroroonan.

"Seventeen, tulungan mo na 'ko." Hinawakan ko siya sa kamay para tumigil. "Sige na, please," pagsusumamo ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin. Nakita kong puminta sa kaniyang labi ang malawak na ngiti.

"Kiss mo muna ako." Ngumuso siya.

"Seryoso? Tutulungan mo lang ako kung hahalikan kita?" Pagtatanong ko.

Board Game of HistoryWhere stories live. Discover now