CHAPTER 02 : The Painting

48 7 5
                                    

CHAPTER 02 : The Painting

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


CHAPTER 02 : The Painting


KINAGABIHAN

NAITANONG ni Elena ang tungkol sa mga weird na litrato, antigo, at iba pang painting na nakapaloob sa tahanang kinatatayuan at tirikan nila ngayon sa kanyang ina. Wala silang mapag-uusapan o magiging libangan sapagkat wala man lang television dito.

Kagagaling lang sa pagligo niyon si Elena nang mapukaw ulit ang pansin niya dito. Habang pinapatuyo ang buhok lumapit siya sa kanyang ina na nakasilip lamang sa bintana at mukhang nagpapahangin.

She actually came out of the house earlier to buy some load for her cellphone. Hindi siya makakatulog kapag hindi siya makakabasa ng online posted na story. Pitong tumbling lang mula sa bahay nila ay may maliit na tindahan ang nasa duluhan.

Then there she found out that their house was strange. Iyon ang sabi sa kaniya nang tindera. Since 80's pa noong narito itong house nila. Ito na yata daw talaga ang pinakamatandang bahay sa bayan ng San Sebastian.

Siyempre hindi siya maniniwala sa mga tsismis tsismis ng tao.

"Ang mga litrato at painting na iyan ay ating mga ninuno. Alin mang bagay na narito na nakikita mo ay ating yaman na minana pa natin sa mga mayayaman nating angkan." Sagot naman nito nang mapatango-tango si Elena sapagkat mukhang tama nga siya tungkol sa ancestor nila pero 'yung tungkol sa mayaman ang angkan nila? Char! Nagbibiro ba ito?

Isinandal ni Elena ang likod sa kahoy na bintana atsaka lihim na napahagikgik. "Pag sure ka Mama? Mayaman 'yung angkan natin. Meganun?" halos hindi talaga makapaniwala si Elena at patuloy parin sa pagtawa.

"Anak alam mo ba?-" salita nang mama niya.

"Ano 'yun Ma?" tanong naman ni Elena kunwari ay nasabik.

"Sasampalin na kita nang left and right kakaganyan mo!" galit na galit at parang gustong manakit na sabi nito, kaya naman natihimik si Elena.

"Awts."

"Mayaman talaga tayo sadyang minalas lang talaga dahil sa babaero mong tatay! Walang hiya iyon!"

"Mama, kalma lang."

"Alam mo bang may presyo ang lahat ng mga bagay na narito?" Dagdag na salita pa nang mama ni Elena

"Sige lang ma, kung saan ka masaya. Trip mo 'yan e." Tugon na lamang nang dalaga noong samaan siya muli nang tingin nang ina.

Atsaka na niya niyon inihakbang ni Elena ang kanyang mga paa para humiga sana sa ginawang latag sa papag nang mama niya ngunit nagulat na lamang siya noong pigilan siya nito na matulog dito at pinapapunta siya sa kuwarto saka siya sinabihan na ipadlock mabuti ang pinto.

"Ay! Mama ayaw mo akong katabi?" tanong ni Elena.

"Ayaw ko naman na matulog ka sa sahig nak." tugon naman nito. Napangiti naman si Elena Kasi kahit na parang magkaibigan lang sila nang ina niya na magbangayan siyempre mahal na mahal nila ang isat-isa.

LOVE WILL LEAD YOU BACK • COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora