CHAPTER 10 : Connected

72 8 5
                                    

CHAPTER 10 : Connected

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 10 : Connected

SA PAGBABALIK ni Elena sa panahon niya parang sa isang iglap nalimutan niya ang mga nangyari sa taong 1878 at tila wala na talaga siyang idea o parang hindi kailanman siya naging parte ng panahon na iyon. Ngunit unti-unting mararamdaman ng dalaga na simula noong tumapak siya sa basement at lumabas mula doon may weird na sa kanyang sarili at sa kanyang feeling. May mga bagay na bigla nalang nagpapaluha sa kanya may marinig lang na kung ano at may makita lang siya na parang pamilyar.

Lalo na ng mapagkuwentuhan muli nila ng kanyang mama noon ang tungkol sa lola niya, bakit pakiramdam niya noong una ay halos ayaw niyang makinig sa ganito pero ngayon parang gustong gusto niya na makarinig at siya pa talaga ang lumalapit sa mama niya just to ask for a story about that time lalo na kapag may kinalaman na kay Leonardo.

"Akala ko ba ayaw mo? Aba'y sabi mo boring." sabi ng mama niya sa kanya non.

"Oo yeah, boring nga-" salita niya nang lakihan siya ng mata ng mama niya. "Pero siyempre diba? Sabi mo nga po kailangan ko rin po malaman ang tungkol sa ninuno natin." mula sa masamang tingin ay bahagya ng mapapangiti ang mama niya sabay hingang malalim. Tinapik-tapik niya pa 'yung likod ng kanyang anak. "O, sige nak. Salamat naman at parang gusto mo na makinig ng maayos."

"Pero mama, damihan mo banda 'yung kay Leonardo." natutuwa nitong turan sabay kagat labi ng kanyang ina. "Sabi ko na e! Hoy! Mariana Elena Servano Esteban. Akala ko ba hindi mo type? Tsk! Malantong ka huh."

"Hindi naman ma, cute siya pero siyempre kailangan ko din malaman ang side niya." pangdedepensa niya sabay buntong hininga ng mama niya, halata namang hindi siya kumbinsido pero sige na nga. Isinama siya nito sa isang upuan noon nang magsimulang magkuwento muli ang mama ni Elena.

"Kagaya nga ng sinabi ko sa basement unang nagkita ang Lola Miraluna mo at si Leonardo sa isang piyesta dito una siyang nakaramdam ng pagtatangi sa binata. Ngunit dahil nga sa kaibigan niya ay nagawa niyang magpaubaya noong malaman niyang gustong-gusto rin ng kaibigan ang lalakeng ibig niya."

"Wait ma. Bakit naman siya basta basta nagpaubaya kung puwede naman niya ipaglaban?" pamumutol ni Elena at tanong.

"Hindi pa kasi ako tapos. Nagawa iyon ng iyong lola sapagkat may dahilan siya, nakikita niya kasing may higit na mas malalim na pagtitinginan ang kaibigan niya maging ang ibig na binata. Bilang isang matalik na kaibigan naging masaya parin naman siya sa dalawa at hanggang sa kanyang huling hininga ay nababanggit niya parin ang kaibigan niya at si Leonardo."

"Sobrang bait naman ni Lola Miraluna para i-let go niya ang feelings para sa kaibigan niya. Pero ano po 'yung hanggang sa huling hininga? Maaga po siyang namatay mama? Ganoon ba iyon."

LOVE WILL LEAD YOU BACK • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon