Chapter 9 - A week before Christmas

50.8K 909 22
                                    

Author’s Note:

 

Ako na si titimang timang hahaha!! Type lang ng type pero di naman nagpapublish ano daw yun? 6 chapters pala ang mapapublish ko mamaya kung makakapagnet ako at kung matatapos ko ang chapter na to.

 

Wala lang pinapaalam ko lang hahaha

-      Choi

Have fun reading!!

Sinuot ko na ang gray na jacket na pinahirap ng Mr. Goody Goody ko. Pagnalaman ko kung sino sya magpapasalamat talaga ako sa kanya ng buong araw! Kahit magsawa pa sya kakasabi ko ng thank you gagawin ko pa din. Ang laking tulong ng jacket na to!!

Umuwi na agad ako sa bahay kahit hindi kasabay ang Halimaw na yun! Nasa bahay na naman yun bakit nya pati ako iintayin? Sino ba naman ako? Syempre alam nya julalay nya ko! Bwisit talaga!

At dahil hindi ko nga alam kung pano umuwi nagtaxi ako papunta sa bahay! Ang mahal ng taxi hindi nga ako nakapagbayad para sa lunch pero grabe naman ang malas ko ngayong araw na to! Naubos ang barya sa wallet ko!!

Pumasok na ko sa bahay na basang sisiw at nanlilisik ang mata sa inis dahil sa hiya!

“Miss Rio kakausapin daw po kayo ni Young Master sa office.”  Sabi ni Chin habang paakyat ako sa kwarto

“Pasabi sa YOUNG MASTER  mo at alam ko naman na nakikinig sya ngayon! WALA AKO SA MOOD AT MASAMA ANG PAKIRAMDAM KO!! GUSTO KO NA MAGPAHINGA KUNG GUSTO NYA SA PASKO KAMI MAG – USAP!!” pinaparinig ko talaga sa kanya. Nakita ko kasi syang pumasok sa kusina at kumuha ng lollipop. Umakyat ako na parang higate sa sobrang lakas ng yabag ko.

Umupo na lang ako malapit sa glass door ng kwarto na kitang kita ang ganda ng City.

Ilang beses na lang na paulit ulit sa utak ko ang tanong na

Bakit nila ako ginaganito? Masama ba ko? Wala naman akong ginagawang masama pero bakit?

 

Masama na bang makakwentuhan o maging kaibigan ni Luke? Masama na ba yun?

 

Tumutulo na naman ag luha ko. Hindi ko na nagawang magpalit ng damit.

Ay! Yung jacket!! Tama na nga tong drama na to? Wala naman tong patutunguhan kung iiyakan ko na lang. Hindi na lang ako papasok

Tumayo na ko at nagpalit na ng damit.

My Personal Maid is a Princess?!Where stories live. Discover now