Chapter 58 - The Box

26.7K 393 19
                                    

 

 

“He-” babati pa lang ako sa kanya sa phone ng

“He- hello Pumpkin??” umiiyak ba sya??

“Kisses.. bat umiiyak ka na naman? Akala ko ba tatahan ka na”

“Pa-pumpkin nakita ko na si Mama”

“Ha? Kumusta?” nag – aalalang tanong ko sa kanya

“Ilang araw na kasi akong hindi lumalabas ng kwarto dahil ayaw kong makita si Mama sa loob ng kabaong…ayaw ko syang makita na nandun gusto ko syang yakapin ng mahigpitt Pumpkin” tuloy lang sya sa pag iyak “Pero…” bigla syang natigilan at “Kanina lang lumabas ako kasama si Yam yung bestfriend kong maid nakita ko si Mama”

“At anong nangyari??”

“Ang kapal ng make – up ni Mama sana inayos manlang yung sa pulinarya o nung imbalsamador sana ginawa nilang natural look” tuloy pa din sya sa pag – iyak. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba sya sa mga sinabi ko nya o tatawanan ko talaga sya.

“hahah pati ba naman yun napansin mo pa” hindi ko mapigilan na ang tawa ko. “natural lang yung sa mga taga ayos ng patay na kakapalan yung make up kasi pale na sila. Ikaw bahala ka kung gusto mo ayusin. Ikaw na lang”

“Aiissh!! Naman Pumpkin eh kung nandito ka kanina pa kita sinabunutan. ‘Princess Marion nandito na po si Prince Collin’ sabi ng isang babae ‘Marion sino ba yang kausap mo at nagsisisigaw ka dyan lamay ng Mama mo hindi mo manlang nirespeto’ Papa nya ata yun ‘Tara na kanina ka pa hinahanap ni Prince Collin’ “Susunod na po ako magbabye lang po kay Flynn… Hello sorry ha?”

“Okay lang sige na pumunta ka na dun mamaya na lang kita kakamustahin. Ingat ka I love you”

“I love you too” pabulong na sabi nya “Pumpkin?? Malapit ka na pumunta dito di ba? *cough *cough” parang napapadalas ata ang pag – ubo nya ngayon

“Okay ka lang ba? Uminom ka nga ng gamut pagdumating ako dyan na inuubo ka pa ako magpapainum sayo ng gamot”

“hahaha okay lang po ako ang keso naman ng Pumpkin ko super concern sa Kisses nya hahah *cough

“Uminom ka na lang kasi ng gamot para madali na yan gumaling. Baka mahawa ako sayo nyan paghinalikan kita hahah”

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon