Chapter 84 - The Accusation

19.2K 301 4
                                    

 

 

“Princess Marion aalis muna ako. May importante lang akong aasikasuhin bago tayo umalis” nagpaalam ako sa kanya. Nakatayo lang ako sa may pintuan nya at pinagmamasdan sya. Nakahiga pa din sya sa kama. She’s been traumatize. Minsan lang sya umiimik at minsan ko lang din syang makitang ngumiti.

Nakatingin lang lagi sya sa glass window nya at walang ibang iniimik kundi pangalan ni Flynn. Lalo akong naiinis pagnakikinig ko syang tinatawag ang pangalan ng walang kwentang lalakeng yun. Ginawan na nga sya ng masama sya at sya pa din ang laging bukang bibig ng Prinsesa.

Pinacheck namin sya sa mga espesyalista dahil sa nangyari pero wala naman silang nakitang na rape ang Prinsesa. Na trauma ang Prinsesa at kelangan nya magpahinga at laging bigyan ng masasayang balita dahil na din sa karumaldulal na ginawa ni Flynn sa kanya maslalong kelangan nya maging masaya at lumayo sa lugar na to. Nagkapasa din sya sa may tyan. Ni hindi nga nya ginagalaw ang pagkain nya kung kakainin man nya isusuka din naman nya ito agad.

Ilang Linggo na din kaming hindi pumapasok at kahit pagsasabi sa adviser namin hindi ko magawa dahil inaalagaan ko ang Prinsesa. Lalong  lumala ang sakin nya ngayon. Namumulta na kulang na lang masabi ko na wala na syang dugo sa sobrang putla nya at namamayat na din sya dahil hindi sya kumakain.

Pumasok ulit ako sa kwarto nya at tumabi sa kanyang pagkakahiga. Niyakap ko sya habang nakatalikod sya sakin at bigla syang humarap at ngumiti

“I’m fine Collin” sabi nya nya habang nakaharap sakin. Bigla nyang pinahid ang thumb nya sa pisngi ko na hindi ko namalayan na tumutulo nap ala ang luha ko.

“Yeah I know…” hinawakan ko ang kamay nya pinampahid sa mga luha sa pisngi ko “Ahmmm.. what do you want for dinner? Para makakain ka naman ang payat mo nang Prinsesa eh” ngumit ako sa kanya.

“AAHH!!” bigla nyang tinakpan ang mga mata nya ng kamay nya.

“Bakit? May sumasakit ba sayo?” nag – aalalang tanong ko sa kanya.

Dahan – dahan nyang binaba ang kamay nya galing sa pagkakatakip nito sa mga mata nya at umiling.

“Nakakasilaw naman kasi ang smile mo” nakangiti nyang sabi. Yung ngiti na sobrang liit pero hindi mo kayang palampasin na mawala sa paningin mo ang ngiting yun dahil worth it pagnakita mo. Bigla nya kong niyakap at “Thank you Collin… Thank you for staying at my side.. Thank you kasi kahit mali na itago ko ang sakin ko tinulungan mo pa din ako. Thank you for everything” hanggang sa pinatong nya ang ulo nya sa dibdib ko.

Inayops ko ang buhok nya na tumatakip sa mukha nya

My Personal Maid is a Princess?!Where stories live. Discover now