Part 25

11 0 0
                                    

"Gusto ko pumunta kay Daddy at Mommy" Bigla kong sabi habang nakain kami ni Patrick sa Jollibee.

"Gusto mo ba ay samahan kita?" umiling ako.

"May OJT ka na bukas. Kaya ko mag byahe bukas" sagot ko. Magkaiba ng hospital si Daddy at Mommy kung si Mommy ay nass Vluna si Daddy naman ay nasa St.Therese mas malapit sa school ko.

"Hahatid kita sa paradahan"

"Start ka na bukas right babe?" He nodded habang nakain.

"Kay Daddy ka lang muna pumunta ha?" Pag papaalala nito.

"Opo"

"Gumising kang maaga o tatawag ako pag hindi ka nanaman nagising sa alarm mo"

"Opo Babie" sagot ko. Madalas ay sya na rin ang Alarm Clock ko.

Pauwi na sana kami ng makita ko si Allan at Joriz na naglalakad.

Lumapit kami dito ng asarin nanaman ako ni Allan.

"Nagsisimula ka na SerPat sa OJT?" Tanong ni Allan.

"Bukas pa lang, kayo ba?"

"Next year pa kami ng bebe ko" sagot ni Allan.

Hindi kami gaano kaclose ni Joriz. Nag ngingitian lang kami nito at kung maguusap man kami ay tungkol sa relasyon nila ni Allan.

"Hindi naman na nagseselos?" Pagbulong ko kay Joriz

"Pati Langaw ay pinagseselosan ng pinsan mo" Tawang sabi nito sakin.

"Oy, Hindi ko na maubos" Bigay ni Joriz kay Allan ng Donut.

"Para ka palang may batang dala dala pre" pang aasar ni Patrick kay Allan.

"Tangina mo SerPat ikaw rin naman, maarte yang pinsan ko na yan"

Bahagya ko pang hinampas si Allan sa balikat.

Nakasakay na kami ng jeep kaya nagkahiwalay hiwalay na kami dahil kami ni Patrick ay nasa unahan at si Joriz at Allan ay nasa likod.

"Babu" tawag nito sakin

"Hmm?"

"Harap ka saglit"

Pag harap ko sa kaniya ay pinagdikit niya ang mga labi namin. Soft kisses lang ito habang ang kamay niya at nakahawak sa pisngi ko at ang isa ay nakahawak sa bewang ko.

"Pampawala ng kaba bukas" sabi pa nito sakin. Napalingon ako sa likod ko baka makita nila Joriz at Allan.

"Safe" He wink at me. Mataas ang harang na naghahati sa harap at likod ng jeep kaya hindi kami kita.

"Pwede mo naman bukas na lang kunin" i whisper at his ears

"Hindi pa ko tapos" pinasandal na ko nito sa balikat niya ng nagsimula ng umandar ang jeep.

--------

Nagising na lang ako sa tawag ni Patrick sa phone ko.

"Baby its already 5:45 am bangon ka na. Kikilos ka pa. Natext ko na si Rachel na ipag paalam ka muna" sabi pa nito. I nodder at bumangon na. He ended the call right away.

Nagsimula na rin ako gawin ang routine ko at nagpaalam na kay Ate Athena hindi na ko nakapag paalam kay kuya dahil tulog ito.

Nagkita na lang kami ni Patrick sa Jeep. At nakasabay pa namin si Paul.

"OJT mo rin?" Umiling ako.

"Ihahatid mo baby mo? Sanaol nagpapahatid SerPat" initaas na agad ni Patrick ang middle finger niya dito na ikinatawa ni Paul.

After 2 YearsWhere stories live. Discover now