Part 23

243 6 0
                                    

"Natagalan ata kayo" pagsita ni Kuya Nero na nakataas pa ang kilay. "Bakit ka namumutla Cat?" pagtataka ni kuya.

"Nagsuka" Patrick answered napatingin ako sa kaniya nagsinungaling sya, pakiramdam ko ay nanginginig padin ang tuhod ko sa nangyare.

"Kung gusto mo una na muna kayong umuwi" sabi ni Ate Athena habang nakasandal sa balikat ni Kuya Mark.

"Kayo?" tanong ko.

"Susunod kami. Pahimasmas ka muna baka maamoy ka ni Mommy" paalala ni Kuya

"Wait outside babe, Papaalam lang ako sa bandmates ko" I nodded. Pag tayo ko ay tumayo na rin si kuya Nero.

"Hahatid muna kita"

Naglalakad na kami palabas ni kuya Nero. Halatang may hinahanap sya sa mga patingin tingin niya sa palagid.

"Kuya may hinahanap ka ba?" umiling lang ito.

"Jaan na pala si Serpat" paglingon ko ay may dalang dalawang gitara si Patrick.

"Iuuwi mo na rin yan pre?" Pat nodded.

"Mag ingat kayo ha?" binigyan pa ko ni Kuya Nero ng panyo. "Pawis na pawis ka" dagdag nito at umalis.

"Maglalakad ba tayo o sasakay?" tanong ni Patrick. Ang isang gitara ay nasa likod niya at ang isa namna ay bitbit niya.

"Anong oras na?" tanong ko.

"2AM na" tumingin ito sakin "Gusto mo ba punta muna tayo ng 7/11 para magkape?" I nodded. Hinawakan na niya ang kamay ko. I sweetly smiled at him, itong little gestures niya nagpapakilig parin sakin.

"Ang saya saya ko lagi pag gig" panimula nito ng usapan habang naglalakad kami.

"Bakit? Kasi marami lalong nakakakilala sayo?" tanong ko.

"Hindi kasi lagi kang nanjan" lumingin pa ito sakin "Thank you, iniispoiled mo ko sa foods, sa luho ko, suportado mo pa ko, lagi kang nanjan sakin, lagi mo ko iniintindi" he smiled. "I love you" he added.

"Welcome, more years to come love" I smiled at him

"Ang bilis ng panahon, parang dati lang simpleng landian lang tayo ngayon seryosohan na" nakangiting sabi nito.

"Parang dati lang ang payat mo ngayon baboy ka na" pang asar kong sabi.

"Lagay ka ng lagay ng pagkain sa bag ko tuwing papasok tayo, talagang mananaba ako at ang sarap ng mga bake mo"

Nasanay akong laging pinapabaunan si Patrick ng cookies, truffles, graham or crinkles something sweet lagi. Halos araw araw na rin kami nag dedate sa Jollibee, Mcdo, KFC hindi na kami napunta ng chowking dahil inaasar niya ko.

Nakarating kami ng 7/11 habang nakuha kami ng kape nakita ko si Paul sa labas.

"Anong gusto mong flavor?" tanong niya sakin.

"Hot choco babie, tignan mo si Paul" turo ko kay Paul ng inipark ang dala niyang motor.

"Napaka kupal talaga, akala ko ba break na sila" he kissed my forehead. "Mauna ka na sa labas, bayaran ko lang to" I nodded.

"Paul"

"Oy" Gulat na lingon nito sakin. "Tangina anong oras na bakit nasa labas ka pa Ca- Tangina ka tinatakas mo pinsan ko. Itatanan mo ba?" He lifted his middle finger.

"Kupal ka magpapatanan yung pinsan mo ng kusa pag inaya ko" natatawang sabi ni Patrick "Sinong iniintay mo?" tanong ni Patrick habang inabot sakin ang kape. "Mainit babe" paalala nito.

"Si Annelyn" ngising tingin nito kay Patrick.

"Punyeta ka, akala ko ba hiwalay na kayo?" tumabi ang dalawa sakin kaya nasa gitna nila ko.

"Nagkabalikan kami nung nakaraan, galing kasi syang Maynila kaya nandito ako para sunduin sya at ihatid sa kanila"

"Patikim" kuha ko sa hawak ni Patrick at binigay ang kape ko sa kaniya, mas nagustuhan ko ang flavor ng sa kaniya kaya napatingin pa ito sakin. Bumitaw muna ko sa pagkakahawak ni Patrick sa kamay ko at hinawakan ng maigi ang kape.

"Anong flavor?" tanong ko.

"Sige na, palit na tayo" nakasimangot na sabi nito.

Nagpatuloy na sila ng paguusap ni Paul. Tinignan ko ang phone ko para iChat si Ate Athena na sa gilid ng bahay na kami mag kita, nagsabi na rin ito na naglalakad na sila pauwi.

"Nanjan na pala sya pre, sige una na ko, ingat kayo" ngumiti pa ito sakin bago umalis.

"Teka picturan ko muna kayo send ko kay Allan isusumbong kitang kupal ka" Narinig ko pa ang tawa ni Patrick ng sumandal pa sa balikat ko ito at kinuhaan kami ng litrato.

"Tara na" alalay pa nito sakin.

"Baby kaya ko, ang dami mong bitbit" sabi ko rito.

"Kamay mo kailangan ko, kaya kailangan mo agad tumayo dapat hawak mo lagi kamay ko nakakairita at nabitaw ka lagi" sabi nito ng nakasimangot.

"Magkatabi lang tayo"

"Kahit na"

Naglakad na kami pauwi habang hawak hawak niya kamay ko. Kahit nagmumuka niya kong anak sa sobrang tangkad niya. Tumigil kami sa tapat ng isang poste ng ilaw ng luhuran niya ko.

"After 17 years Im not a Broken Melody anymore, hindi na ko sirang plaka" I heard him laugh "I have purpose because of you, Please dont leave me. Alam kong tanga talaga ako madalas at ang hirap kong intindihin pero kahit anong mangyare. Sayo lang ako. Sayo lang araw araw" inabot niya sakin ang teddy bear.

"Happy 1 year Baby" napahawak ako sa aking muka ng buhos na ang mga luha ko sa sobrang saya.

"Mga tugtugan ko dati halatang may pinagdadaanan. Halatang ang bigat ng mundo ko ngayon ang dali daling dalhin, ngayong ang gaan gaan. Its like a rhythmic succession of single tones organize as an aesthetic whole a sweet arrangement of sounds pag sayo, pag ikaw may kapit sakin ang sarap sarap mabuhay"

After 2 YearsWhere stories live. Discover now