Part 15

399 7 0
                                    

Nagsusulat na ko ng notes at dahil isa lang teacher namin nagaattendance na lang si Rachel para sya na ang magpapasa mamaya sa admin. Dalawang linggo na rin akong busy at hindi ko na nakakasabay si Patrick umuwi o papuntang school madalas ay nauuna na ko. Nagkaroon kasi kami ng Hell week kaya mas nag focus ako sa thesis namin.

"Ate Girl sama ka na" pagpupumilit sakin ni Renz.

"Oo nga minsan lang, wala naman si Kuya Patrick mamaya. 7pm pa uwian niya diba? Intayin mo na dayo ka muna kila renz" napatingin pa ko kay Juniemar na nakataas kilay. "Hindi tayo magiinom" pang dagdag pa nito.

"Ako na bahala kay Patrick, nachat ko na naseen na niya nga" napatingin ako sa cp ko ng nag vibrate.

James Patrick : Go have fun, wag ka lang pagabi ng husto. Wag ka magiinom.

"Pinangunahan niyo naman agad ako"

"Pwede na daw kayo, umuwi basta deretong bahay at walang mababalitaan na may nag gala pa" pagpapaalala ni Michael samin.

"Che, ayaw mo ba don? Mukang okay naman" napatingin pa sakin si Rachel na nanghihingi ng saklolo.

"Oo nga sis, mas okay yan kay jedd" napairap pa si Rachel sa pangdadagdag ko ng tukso ss kaniya.

Nagligpit na ko ng gamit ko at sinuot ang bag hinawakan pa ni Renz ang kamay ko at pinakapit sa bag niya.

"Ayan, masama maligaw ang bata baka umuwi mag isa"

"Hindi naman ako tatakas"

"Duda ako Ate Girl"

Naglakad na kami sa paradahan ng jeep na papunta sa Pililia. Nakahawak pa din ako sa bag ni Renz. Magkatabi kami ni Renz habang ang ibang kaibigan namin ay nasa harap namin nakaupo.

"Hindi naman kayo nag aaway?" umiling ako sa tanong ni Renz. "Okay naman kami" pang dagdag ko.

To James Patrick
Otw na kami kila Renz Babe.

James Patrick : Ingat ka, Enjoy wag kang magiinom ha?

Reply : Opo

Nang makababa kami ng jeep walking distance lang din ang Bahay nila Renz malaki ito kumpara mo sa bahay namin halatang sinusunod nila sa uso.

"Tita Jona?" bati ko pa sa Mama ni Renz.

"Oh, Nandito pala kayo. Hindi niyo naman sinabi na pupunta kayo edi sana napagluto ko kayo"

"Magshashot daw po kami" biglaang sabi ni Juniemar kaya napatingin ako ng masama. "Joke lang Tita" pagbawi pa nito ng nakapeace sign sakin.

"May group study din po kasi kami, kaya naisipan po sana naming dito kila Renz gawin"

"Osya sige. Magluluto muna ko ng makakain niyo. Mag aral muna kayo jan. Ikaw Juniemar wag pasaway susumbong kita sa Mama mo" napakamot pa si Juniemar habang pinapagalitan sya kaya natawa naman kami.

"Ate Girl peram ng notes sa Arts" tinuro ko ang bag ko habang kinakain ang mani na dala ni Renz

"Pre galit na si Ange" napapakamot na sabi ni Andrei samin.

"Akala ko ba pag tropa tropa? Hindi walang aalis. Si ate girl nga nandito" sabi bigla ni Kennedy habang kinokopya ang notes ko.

"Sige na pre, una na muna ko. Libre ko na lang kayo ng kwek kwek bukas"

"Nako po. Under. Tayong mga la-" napahinto ng sinasabi si Kennedy ng batukan sya ni Rachel.

"Sige na, mauna ka na"

Tumakbo na si Andrei papalabas. At lumabas naman si Renz na may dalang pagkain na.

"Uuwi na yon?" pagtatanong pa nito.

"Oo, galit ang bebe niya"

"Ay under"

"Siraulo, mahal lang at masunurin si Andrei wala ka kasing jowa kaya hindi mo alam"

"Ay pre namersonal, masakit? Wag mo turuan sa Math kung ganyan" pang sasapaw ni Juniemar sa usapan namin.

"Ang bango ng carbonara ni Tita" binuksan na ni Rachel ang dalang trey ni Renz at nagsimula na syang kumuha ng pagkain niya.

"Nako hindi ko luto yan, luto yan ni Renz"

Kumuha na rin ako ng Carbonara. Creamy at saktong sakto sa lasa. Ang sarap din ng bacon bits niya.

"Pasado ba Ate Girl?" pagtatanong sakin ni Renz. Nag thumbs up ako dahil puno ang bibig ko.

Beeepp
James Patrick :Magusap tayo mamaya, uuwi na ko mamayang 3pm.

Reply : About saan po?

James Patrick : Maya tayo usap.

Iniseen ko na ang sinabi niya. Baka may pa suprise nanaman sya. Madalas na rin sya sa bahay kaya kaclose niya na Kuya ko at Ate pati narin si Kuya Mark na boyfriend ni Ate. Tinignan ko ang orasan at 2pm na.

"Uuwi ako ng 3pm ha?" pagpapaalam ko sa kanila habang nakain kami. Hindi na rin sila humadlang ang nag nod na sila. Lahat kami ay sarap na sarap sa Carbonara ni Renz.

Pinagusapan narin namin ang reporting sa Science kaya hindi din nasayang oras.

"Hatid ka na namin Ate Girl, papalinis ko din yung montero" sabi pa sakin ni Renz habang nag liligpit ako ng gamit ko.

"Sure ka? Akala ko sa kanto lang yung palinisan sabi ni Tita"

"Syempre wag ka maingay kay Mommy"

Sumakay na ko sa shutgun seat at inayos ang upo ko. Binigyan ako ni Renz ng jacket dahil mukang papaulan ang jacket na binigay niya sakin ay yung maong jacket niya.

"Saan ka ba namin ibababa?" tanong ni Renz habang nag dradrive.

"Teka"

To James Patrick
Nasa byahe na ko saan tayo magkikita?

"Magkikita kayo Ate Girl?" tanong ni Juniemar sakin

"Yup"

"Maharot ka, date pa dumeretso ka ng uwi"

"Tatay ka niya sis?" pang aasar ni Rachel.

"Eh ikaw broken ka sis?" sumbat ni Kenney kaya hinampas sya ni Rachel nag tatawanan na sila.

James Patrick : Puregold nandito na ko.

"Puregold daw Renz"

"Sige. Copy"

Nag ayos na ko ng muka dahil kahit hindi ko aminin alam kong sanay akong sinosopresa ni Patrick at pag ka ganon lagi ang text niya ay lagi na lang sya may pasabog.

"Dito na Ate Girl, Ingat ka"

"Ingat kayo" sinara ko na sng pintuan at naglakad tanaw ko na rin si Patrick na nakabulsa sa hoodie jacket niya na black kaya pinuntahan ko na sya.

"Kain muna tayo" Bungad nito sakin.

"Saan?" tanong ko.

"Chowking na lang, malapit naman"

Tumawid lang kaming Puregold at Chowking na.

"Umupo ka na, ako na oorder" naghanap ako ng upuan na malapit lang sa bintana, kunti lang din tao dito kaya mabilis niyang nakuha yung order namin.

"Bakit ang aga mo umuwi?" panimula ko habang kinakain yung butchi.

"Nagcutting ako" kunot noo ko syang tinignan at habang nanguya at humarap ito sakin.

"May problema ka ba Babe?" tanong ko.

"Gusto ko makipag hiwalay" sagot nito. Nabagsak ko pa ang kutsara at tinidor ko.

After 2 YearsWhere stories live. Discover now