Part 16

424 10 2
                                    

"Hindi ko naman alam bakit biglaan niyang hiniling yon" pagiyak ko pa kay Rachel habang tinatapik nito ang likod ko. Nasa bahay kami nila Renz.

"Anong ginawa mo nung sinabi niya yon?"

"Nag walk out" napatingin pa ko kay Juniemar at mas lalong umiyak.

He said that straight to my eyes, pinigilan niya kong umalis sa upuan ko at tapusin ang pagkain. Sinong may ganang kumain kung alam kong makikipag hiwalay na sya.

"I want to said No, pero di ko magawa. It leaves me speechless"

"Mag ayos ka, hindi tayo papasok sa school ngayon. May dala naman kayong damit para sa shooting sana natin diba?" Matigas na sabi ni Renz at halatang naiinis na.

"Ayusin mo sarili mo Ate Girl" Umalis na ito at sumunod sila Juniemar.

"Wag ka ng umiyak, hindi sanay sila Renz ng ganyan ka. Ako lang iyakin dito" niyakap pa ko ni Rachel. I heard her saying 'shh' all over. Kaya medyo tumahan na rin ako.

Inayusan na ko ni Rachel at hinayaang magbihis sa pang shooting dapat namin.

"Swerte pala natin nasa orientation si Ma'am Norie" pagsabi ni Kennedy habang nakatingin sa phone niya.

"Perfect Timing ang pagiging broken hearted ni Ate Girl" sabi pa ni Andrei habang nakain ng saging.

"Where did you get that? Im starving"

"Uso tumingin sa harap Che. Ayan oh" turo ni Andrei sa table namin.

"Akala ko plastic fruits lang, gosh"

Nilapitan ako ni Renz at hinawakan sa ulo.

"Hindi iyakin President namin. Alam mo worth mo. Alam kong may napag awayan kayo o may naramdaman syang iba kaya nakikipag hiwalay, Do me a favor Catherine"

"Hmm?"

"Dont beg for him okay? Its not your thing. Our Iron President is not like that" I nodded. Inabutan niya pa ko ng milktea. "Dont cry"

Inilabas na ni Renz ang montero. Sumakay na rin kami at Shutgun seat ako.

"Pamusic tayo" pag presenta ni Juniemar.

Pagtapos ng nangyare kahapon ay hindi pa nagmemessage si Patrick. Hindi ko din alam kung anonng nangyayare sa kaniya. Wala padin akong pinagkwekwentuhan ng buong detalye ng makita kong inidelete na niya ang pictures namin sa Twitter niya, inalis na rin ako sa header at pinned tweet. Alam kong nagiintay din ako ng message niya kaya panay parinig ako sa Twitter alam ko ring nakikita niya dahil yung iba at nilike niya.

Inirefresh ko ang twitter niya ng makita kong inaasar sya kay Isabel. Its his ex mu.

@ShainaM miss mo ba @JamesPat
(Picture ni Isabel at Patrick na naguusap)

Buo ang pakiramdam ko ng bagong picture lang yon. Nag try akong ilike pero nag eerror pumunta ulit ako sa Twitter ni Shaina nawala na.

Iniview ko ang story ni Pat na kasama niya ang kabanda niya na nasa Jollibee. I replied 'Enjoy :))'

"Ate Girl nandito na tayo"

Tumingin ako sa paligid at panay puno at may bagong bahay at isang pool.

"Nagdala ko ng extra for you, dont worry" pagsabi ni Rachel.

"Kanino to?" tumingin ako sa paligid halatang rest house sya at hindi naman kalayuan ang byahe namin kaya alam ko ding malapit. Old house but classic ang tema pumasok na kami sa loob habang nakahawak sa braso ko si Rachel. Nasa second floor agad kami at may taas pa ito.

"Rest House ng Tito ni Renz, nasa states naman sila Tito Brando kaya napupuntahan namin 'to madalas" sabi ni Juniemar.

"Nasa baba yung pool. Nasa baba din kwarto naming boys hintayin namin kayo don" pinagbukas na kami ng pintuan ni Renz.

Pumasok na kami ng kwarto ni Rachel at isang master bedroom. White ang kulay ng mga pader at black ang kulay ng mga furniture.

"Ayan, suotin mo yan. Magbibihis muna ako at sumunod ka na"

Nilapag ni Rachel ang extrang t-shirt na White at jersey short ang ganap niya nga pala sa film namin ay may kambal kaya terno din ang nabili niya.

May kumatok sa pintuan kaya pinagbuksan ko. Namumula pa si Kennedy ng pagbuksan ko.

"Pinapaabot ni Tita Jona, para daw nay, extra kayo pag naligo"

Pagkuha ko ay kumaripas na rin ng takbo si Kennedy. Tinignan ko ang laman ng  paper bag na biglang inabot sakin ni Kennedy. Underwears na halatang bago pa at may tag pa.

"Ano yan?" Tanong ni Rachel pag labas.

"See for yourself, alam mo na kung bakit mamumula si Kennedy pag tumingin satin" natatawa kong sabi.

Tinignan ko muna ang cp ko.

James Patrick : Im not actually enjoying it Ck, nagprapractice lang kami.

Reply : Okay, if you say so.

James Patrick : Still not ready to talk about it?

Reply : Habang buhay akong hindi magiging ready.

Binaba ko na ang phone ko at nagbihis, hindi na rin ako nagabala tignan ng matapos ako mag bihis dumeretso na kami ng baba.

"Cath may naiwan pala ko, sunod ako sayo kunin lang yon sa taas"

"Sige"

Pagbaba ko ay nakita ko agad sila sa may bar ng gilid ng pool. Mukang madalas na sila dito at kabisado na rin nila Andrei.

"Ate Girl shot!" pagtutulak pa sakin ni Andrei ng salubungin ako.

Hindi ko na nabilang kung nakailang shot na ko ng dumating si Rachel mababa din ang alcohol tolerance ko at medyo nahihilo na ko.

"Oh Lemon" pagabot pa sakin ni Rachel. Nakita kong pinapagalitan ni Rachel sila Andrei pero hindi ko ito marinig.

"Ang init ng katawan ko" hinaplos ko na rin ang noo ko at nahihilo na ko.

Tumalon na lang ako bigla sa pool at hinayaan ang sarili ko sa ilalim ng makaramdam ako ng kapit sa braso ko at napaangat ako.

"Tangina! Catherine! Magpapakamatay ka ba?" Inis na sabi sakin ni Renz habang hawak ang braso ko.

"Hindi" napatingin ako sa kaniya narinig ko den na panay tawag sakin sila Rachel at may dalang tualya

"I just dont get it, Bakit yung iba sa Jollibee iniwan, sa Mcdo iniwan, Sa sturbucks! Bakit ako sa chowking?!" napaiyak na ko at tinakpan ang muka ko.

"Tangina Ate Girl hindi ko alam kung matatawa ako o icocomfort kita" rinig kong sinasabi sakin ni Juniemar

"I dont get it, anong meron sa chowking at doon ako iniwan?" hikbi ko pang sabi.

After 2 YearsWhere stories live. Discover now