CHAPTER THIRTY ONE

22 0 0
                                    

THIRTY ONE
Crystalline Skies


Nakaupo ako sa kama habang nakayakap sa tuhod ko at kagat kagat ang kanang hinlalaki ko habang nakatitig sa kalendaryo ng phone ko.

"Calm down, Skye. You're not, okay?" Napahilamos nalang ako sa sarili ko.

"Skye?" Narinig ko ang boses ni Noah at taranta kong ibinulsa ang phone ko.

"You're back." Saad ko. Hinila niya ang upuan at naupo sa gilid ng kama ko. Hinipo niya ang noo ko at ang leeg ko.

It would be two months if so. Nakatitig lang ako kay Noah, nang masalumbong niya ang titig ko sakanya napakunot ang noo niya. Agad din naman iyong napawi at nagpakawal ito ng mahinang tawa.

"Sabihin mo na, I know you want to say something." Aniya.

"Iiwan mo ba ako? Kung---" napakagat ako ng labi ko.

"Daph...what is it?" Aniya.

"Iiwan mo ba ako kung my mangyari nanaman, yung hindi naman inaasahan tapos bigla nalang dumating. Would leave me?" I anxiously asked.

He pulled me closer and hugged me tight. "Of course not. Naghiwalay na tayo at lahat lahat, but still I would crawl back to you and begged like a beggar to get you back." Sagot niya na bahagyang nagpagaan ng loob ko.

"Pero bata pa tayo." Sagot ko.

"So? I know it would be you. Kung sakali man at magkalayo tayo, it will still be you. But, that won't happened. Andito lang ako palagi." Malambing niya sagot saakin.

Andami ko ng iniisip, dumagdag pa ito sa iisipin ko. Ginantihan ko ng yakap si Noah.

"Sige na kumain ka na I brought you something hot." Aniya.

Inabot niya saakin ang isang kutsara at saka ako pinagbuksan ng cup noodles.

"Hindi mo ko susubuan?" Tanong ko.

"No, why?" My heart sank with that cold reply.

I pouted. "Okay."

Nagulat ako ng kurutin niya ang pisngi ko."eto na baby damulag." Inagaw niya saakin yung kutsara.
Hinipan niya muna yung sabaw sa kutsara bago ipasubo saakin.

"Nagiinarte ka lang ata mahal eh." Aniya.

"Hindi ahh!" Reklamo ko. "Nahihilo pa din ako saka nasusuka." Pagmamaktol ko.

"Oo na, oo na." Pagsuko niya.

Let me just feel this love from Noah in peace. Kakalimutan ko na muna ang mga bagay na iyon. If it is meant to happen it will happen, in the right time and right place. Maaring hindi ko maipilit sa mga pagkakataong ito but in due time things will come on its own.

"Bat ka daw nahihilo saka nasusuka?" Tanong ni Noah.

"You know about it naman diba?" I said.

"Panic attacks?" Tanong niya. Tumango naman ako at ganoon din siya.

"Bakit? May problema ba sainyo? Did your father bothers you again?"

Umiling ako. "Nope, studies. Alam mo naman graduating na tayo Noah, and my dad is hoping for me to pass the exam from the university he wanted me to enter." Sagot ko.

"Eh di tatay mo nga, bakit ba kasi hindi mo nalang sundin yung mga gusto mo tutal sa bagay na yan ikaw naman ang magdedesisyon." Sagot ni Noah.

"I'm disappointing my dad so much. Kaya gusto ko manlang makabawi sa ganitong paraan."

And another disappointment from me might come.

"Disappointing? Sigurado ka ba talaga dyan? Skye, when did you ever disappoint them? Sila lang naman ang nagseset ng standards sayo. You are more than enough." Aniya.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon