CHAPTER TWENTY NINE

14 1 0
                                    


TWENTY NINE
Crystalline Skies

"Kung gusto mo talaga malaman ang lahat, I'll wait for you. Near your school." 

Hindi ako nakasagot sa ama ni Noah. Tila may pumipigil saakin pero mas malaking parte sa puso kong malaman kung ano gusto nitong iparating saakin.

"I can see it in your eyes, Skye. Alam kong gusto mo rin malaman kung ano nga bang namamagitan saamin at sa pamilya niyo. Sa edad niyo ni Noah, mas lamang ang curiosidad sa mga bagay. At hindi sapat sainyo kung anong sinasabi namin at ang mga dahilan namin."

"May alam po ba si...Noah." Tanong ko rito.

"Hindi ko masasagot yan."

"Siya ang anak niyo, hindi po ba dapat siya ang unang makaalam? At saka bakit po ako?...sa tingin niyo po ba sa gagawin niyo hindi kayo mapapahamak? Kung tungkol po iyan sa naganap noon ay tiyak na mananagot kayo sa oras na sabihin niyo ang katotohanan saakin." giit ko rito.

"tiwala ako sayo...at saka---" Gumuhit ang isang misteryosong ngiti sa labi nito at tila madilim ang ekspresyon ng mukha nito. "Maatim ba ng kunsenysa mo, hija?..."

Nagtiim ang bibig ko at hindi nakasagot sa tanong nito na mas nagpagulo sa isipan ko.

"Hindi ka ba talaga ang nagtataka kung bakit ganoon ka na lamang paghigpitan ng ama mo pag dating sa anak ko, kung ako naman ay hindi ko pinakikielaman ang gusto ng anak ko."

"hindi po ba parang sinasabi niyo na mas mapapahamak ako mula sainyo?" may halong pagdududa sa tono ng boses ko.

Maraming beses na rin akong nabalaan ni Noah tugkol sa ama niya, and that's ironic. Mismong ama niya ang pinagduduhan niya at binabalaan ako tungkol rito.

Humalukipkip ito. "Masyado na tayong maraming napag usapan. Kung gusto mo talagang malaman ang totoo, Skye. Mag iintay ako, parang anak din ang tingin ko sayo. At sa tingin ko, ikabubuti at ikapapanatag mo kapag nalaman mo." Aniya bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ni Noah. 

Naiwan akong nakatulala at naguguluhan. 

"Skye?...yoo hoo! Girl!!" Aaliyah snapped her fingers in front of my face

"Huh?" lutang kong sagot sakanya.

"Ano bang iniisip mo ha? kanina ka pa tahimik simula palang ng umaga. Hindi ka ba makikipag laro sa PE? two hours PE natin sayang." Umupo sa tabi ko si Aaliyah.

Nakaupo lang kasi ako sa gilid kung saan may mga hakbang papunta sa corridor. Masyadong malalim ang iniisip ko mula sa napag usapan namin ng tatay ni Noah. Aaminin ko sobrang nakakabitin ang usap na yon. Mas lalo lang tuloy akong nilukob ng curiosidad, kung bakit hindi si Noah ang kausapin nito at kung bakit saakin nito agad ipaparating ang gusto nitong sabihin.

Di bale nalang kung ako talaga ang pakay.

Pero bakit ako? Pamilya namin? 

"Iwan muna kita girl ahh!" paalam ni Aaliyah at tumakbo napabalik sa mga kaklase naming naglalaro sa kalagitnaan ng field. HIndi ko na tinapos ang klase at pumunta muna ng CR para makapag ayos ng sarili. Nakasabay ko si Lily sa may lababo I looked at her through the mirror and smiled.

"I haven't seen you for a while, hindi ka na pumupunta sa bahay namin." Panimula ko. 

She smiled faintly. "Medyo busy, graduating na tayo. Alam mo na, requirements for college kailangan ko ng asikasuhin." aniya.

tumango tango ako. "My twin and I would go to school in Manila, ikaw ba? Sa Manila ka din?" I asked.

"No...uhh, actually we're migrating." Sagot niya.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora