CHAPTER FIVE

28 2 0
                                    


FIVE
Crystalline Skies

"Bye Skye!, see you bukaas!" Paalam saakin ni Lily.

"Paiklian pa tayo ng palda ha? Bye Skye!" Pareho lang kaming natawa ni Aaliyah at kumaway nalang ako sakanila at sabay dilang lumabas ng classroom. Inakbayan ako ni Levi.

"Uwi ka na? Kain muna tayo gutom na ako eh." Inalis ko yung pagkakaakbay niya.

"Kung gutom kumain ka nalang sainyo." Sagot ko at sumimangot lang siya.

"Bakit ba parang galit ka ata, nag away ba kayo kanina ni Noah?" Usisa niya at umiling lang ako.

"Hindi ahh, sige na Levi mauna ka na...Shoo!" Pinagtulakan ko na siya paalis at tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Oo na, ingat ka Skye." Paalam niya saakin at saka lumabas na din. Inimis ko na ang lamesa ko at inilagay sa ilalim ng desk ko ang mga gamit ko at ang ilan sa backpack ko. Isinukbit ko iyon at lumabas na.

Tahimik akong naglalakad at nakita kong kausap nung babae kanina sa CR si Noah. I looked at them intently at binibigyan ng chocolates ni Felicity si Noah.

Girl, hindi kumakain ng matamis yan. Ang lagi niyang dahilan ay bumibigat daw ang katawan niya tuwing kumakain siya ng matamis at nahihirapan siyang lumangoy. He feels like he gained weight with just a bite. Maarte pa sakin yan sa lahat ng pagkain.

Humalukipkip ako at saka sumandal sa pader at inaantay na matapos sila.

"Sige na Noah, tanggapin mo na oh. Aalis na din ako kapag tinanggap mo na." Pamimilit ni Felicity sakanya at wala naman siyang nagawa at kinuha ang isang kahon ng chocolates sa kamay ni Felicity.

He looked at my side, seryoso lang akong nakatingin sakanila at saka naman tumalikod at naglakad paalis.

"Tinanggap niya? Enjoy ka sa chocolates mo hmp!" I murmured while walking away, mabigat ang bawat hakbang ko.

"Selos ka naman?"

"Ay nanay mo!...tsk! Noah!" Gulat kong saad sakanya. Huminto ako sa paglalakad, I glared him while he is smiling widely.

"Selos ka nga?" Ulit niya pa.

I glanced away while crossing my eyes at nakasimangot lang. Kinurot niya ako sa pisngi.

"Galit ka ba sakin kanina, you run away after I kissed you." Aniya.

Umiling lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan man.

"Noah, baka andyan na yung sundo ko!" Reklamo ko pero hindi siya nag papigil he kept walking while holding me at my wrist until we reached the gymnasium and he headed towards the swimming pool area.

"Noah..." tawag ko pa ulit nakarating kami sa gilid ng pool. Naupo siya roon at saka hinubad ang sapatos niya at inilublob yon sa pool. Wala naman akong nagawa at tumabi sakanya, I indian seated beside him and stare at the blue water.

"Anong gagawin natin dito? Noah uuwi na ako baka magalit si---" itinapat niya ang index finger ko sa labi ko para patigilin ako sa pagsasalita.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora