Chapter 28

362K 7.3K 990
                                    

#ADMwp Chapter 28

Aaminin ko, masama pa rin ang loob ko kay Mama. She knew. She knew about my feelings pero mas pinili niya pa rin na magpanggap na hindi ako nasasaktan. Ganito ba talaga kapag hindi ka tunay na anak?

“Okay na ba ‘yang gown mo, Maicy? Baka masikip, sabihin mo lang.”

Hindi ko nga alam kung bakit kasama pa ako dito sa final fitting ng gown ni Maicy. Ano ba ang gustong iparating ni Mama? Na talagang wala na kaming pag-asa ni Uno? Bakit? Hindi pa ba sapat na ipinagtabuyan ko ‘yung tao kahit na nagmamakaawa siya sa akin? Hindi pa ba sapat na halos mabaliw na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko?

Kailan ba magiging sapat? Hindi ko naman kasalanan ‘yung lahat pero palagi na lang ako ‘yung pinaparusahan...

Lumabas si Maicy mula sa fitting room. Nakasuot siya nung gown na gusto kong isuot... I should’ve been the one wearing that gown... Ako dapat ‘yung ikakasal at hindi siya...

“Ate, okay lang ba?”

I wanted to get mad at her. I wanted to tell her how much she ruined my life. But I couldn’t... Mahal ko ‘yung kapatid ko and it breaks my heart to know that she’s the one causing my heart so much pain.

I smiled at her and showed her thumbs up. Medyo natagalan kami dahil pati ako pinasukatan. Kumpara sa suot ni Maicy, walang-wala ang suot ko. Sino nga ba naman ako? Bride’s maid lang naman ako sa kasal ng lalaking mahal ko...

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon