Chapter 3

213K 4.5K 491
                                    

#ADMwp Chapter 3

Ang sakit-sakit na ng ulo ko! Ang dami nilang pinapagawa sa akin pero 2 days na lang ako dito sa New Zealand. Babalik na ako sa Pinas sa makalawa pero tambak na tambak pa rin ‘yung gagawin ko. Shit talaga! Sumasakit lalo ang ulo ko!

Huminga muna ako nang malalim at saka iniwan ‘yung tambak ng papales na dapat kong ireview. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng magagaling na empleyado sa kumpanya namin, bakit ako pa ang napiling ipadala? Sure, kung sana sa ibang pagkakataon matutuwa talaga ako. But my wedding was just around the corner. Bawat araw na wala ako sa Pilipinas para tumulong sa paghahanda ng kasal ko ay parang mas lalo kong gustong umiyak dito.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ‘yung laptop ko at nakipagfacetime kay Maicy.

“Maice,” I called. “Bakit audio lang?” Nagtataka lang ako dahil dati naman puro facetime talaga kami.

Rinig ko na medyo paos ang boses ni Maicy. May problema pala talaga siya... Akala ko praning lang masyado si Uno. Masyado kasing protective iyon kay Maicy dahil walang kapatid.

“Okay lang, ate...” she said pero rinig na rinig ko na may problema siya.

Mas lalo tuloy akong nahihirapan na wala ako sa Pilipinas. Gusto kong yakapin si Maicy at sabihin na magiging okay lang ang lahat...

“Sure ka?” I asked her again. “Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap...” I assured her.

“Okay lang talaga ako,” she replied. “Sige na, ate. Update na kita tungkol sa wedding,” she continued and then we proceeded on talking about my wedding.

Ilang oras din kaming nag-usap dahil may mga gusto akong ipabago. Mabuti na lang talaga at mabait itong kapatid ko kaya hindi siya nagrereklamo kahit na palagi ko siyang naaabala.

“Thank you, Maicy, ha?”

“Wala ‘yun, ate. Basta para sa inyo ni kuya Uno.”

“Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap... Uuwi na naman ako... Pero nandyan din si Uno kung kailangan mo ng maiiyakan. Always remember na nandito lang kami, okay?”

“Thank you, ate. Miss na miss na kita. Ang swerte sa ‘yo ni kuya Uno...”

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon