Chapter 12

182K 4.2K 343
                                    

#ADMwp Chapter 12

Kanina pa ako tuliro. Hindi ko alam kung paano ko nagawang magpanggap na hindi ako kinakabahan sa harap ni Mama. Nanginginig ‘yung kamay ko nung bigla siyang pumasok sa kwarto. Mabuti na lang at mabilis kong naitago ‘yung kit sa likuran ko.

“Nasan na ‘yung mga damit ni Maicy?” she asked. Napatingin ako sa paligid ko. Hindi pa pala ako tapos. Masyado akong nabigla sa pregnancy kit na nakita ko.

Kahit na nanginginig ‘yung labi ko, nagawa ko pa ring sumagot. “Ah-eh, ibababa ko na lang po,” I said.

Mukhang naniwala si Mama sa sinabi ko. Agad akong napasalampak sa kama ni Maicy nung oras na lumabas si Mama. Napatingin na naman ako sa pregnancy kit. Shit. Ito ba ‘yung dahilan kung bakit problemado siya?!

Ibinaba ko na ‘yung mga labada at agad akong nagpaalam kay Mama. Mabuti na lang at tapos na kami sa paglilinis. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapaglinis matapos kong malaman na baka buntis ang kapatid ko.

“Uno?” I said nung sumagot siya sa tawag ko.

“Yes, babe?”

“Can we meet? I really need someone to talk to...” sabi ko sa kanya. It seemed like he felt the urgency in my voice kaya naman pumayag siya na makipagkita sa akin. We agreed to meet in the coffee shop near his office. Nakaupo lang ako dun habang naghihintay. Ilang senaryo ang pumasok sa isip ko. Gusto kong kumprontahin si Maicy pero hindi ko alam kung dapat ba iyon... Kapatid ko siya pero nirerespeto ko ‘yung buhay niya. It was one of the things I love about our relationship. We love each other but we respect each other’s boundaries.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating din si Uno. Mukhang hapong-hapo siya dahil hinihingal siya nung dumating siya sa coffee shop.

“What’s the matter? Is everything okay?” agad na tanong niya nung nakita niya ako. Hawak niya ang mukha ko sa dalawa niyang kamay. Napangiti naman ako sa pag-aalala niya. Mahal na mahal talaga ako ng isang ‘to.

I smiled at him. “Okay lang ako... Hindi ako ‘yung may problema,” I said.

Umupo muna si Uno upang magpahinga sandali. Okay lang naman kung sasabihin ko sa kanya, ‘di ba? Malapit na rin naman kaming maging mag-asawa at halos kapatid na rin naman ang turing niya kay Maicy...

“Uno...” I trailled off.

Worry was etched on his handsome face.

“What? C’mon, Mira. Kinakabahan ako lalo, e.”

Bumuntong-hininga ako bago ako nagsimula. “I think Maicy’s pregnant.” And right after, Uno dropped his coffee.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon