Prologue

751K 10K 2.6K
                                    

#ADMwp Prologue:

 

Hindi ko alam kung paano magpanggap na wala akong alam. Kanina ko pa gustong sumigaw. Kanina ko pa gustong tumakbo at yakapin si Uno. Bakit naman kasi masyado akong mapaghinala at natunugan ko agad na may balak na siya sa aking magpropose?! Ayan tuloy, wala na ‘yung element on surprise!

But still... the thought that Uno wanted to spend the rest of his life with me was enough to make my heart beat erratically.

Nasa loob kami ng pad niya. Normally, sa restaurants kami kumakain but tonight was different. Siya ang nagsabi na sa unit niya na lang kami kumain at magluluto daw siya.

Habang kumakain kami, thoughts were flooding my mind. Hindi ako makakain nang maayos dahil pakiramdam ko nakahalo dito sa kinakain ko na lasagna ‘yung singsing. Pati sa pag-inom ng wine ang cautious ko rin! Kanina pa ako hindi mapakali! Mas daig ko pa sa kaba ‘yung magpopropose!

Nung patapos na kami sa dessert na lava cake (na dahan-dahan ko pang kinain dahil natatakot ako na mabilaukan), biglang sumeryoso ang tingin sa akin ni Uno. Tumayo siya at saka lumapit sa akin.

Ilang beses ko na ‘tong na picture sa isip ko. Ilang beses ko na siyang na-imagine na lumuhod at ayain ako na magpakasal. Each time was more romantic than the other but this? This was magical. This was better than what my imagination could ever fabricate.

“Mira,” he asked as he was down on his knee. “I’ve known you for years now and I’ve loved you for years... and for the years to come, I know the I will still love you.”

Nagsisimula pa lang siya pero panay na ang buhos ng luha ko. I couldn’t believe it was happening. I couldn’t believe what was unfolding behind my very eye.

“Mira, will you give me the honor of turning you into Mrs. Avellano?”

I wiped my tears and said, “Yes, Uno. Always a yes.”

Umiiyak ako habang isinusuot niya sa daliri ko ‘yung singsing. It felt perfect. It felt like this ring was designed for me to wear...

“Nakakainis ka!” I said while wiping my tears. “Parang ni hindi ka man lang kinabahan! Masyado ka bang sure na oo ang sagot ko?”

He smiled at me and then wiped the tears off from my cheeks.

“Bakit ako kakabahan? Marrying you is one of the things I am most sure of.”

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon