Chapter 2

265K 4.8K 153
                                    

#ADMwp Chapter 2

Screw time zone! Palagi na lang akong puyat dahil hindi magtagpo ang oras namin.

“Hi, baby...” sabi ko habang papikit na ang mata ko. Ang dami kong ginagawa dito. Mabuti na lang talaga at nagvolunteer si Maicy na siya ang mag-asikaso sa kasal ko kung hindi, baka mabaliw na ako dito at bigla na lang bumalik sa Manila! Buti na lang talaga at mabait ang boss ko kaya kailangan kong umayos dito.

“Baby, ayos ka lang? Mukhang stressed na stressed ka...” sabi niya.

Umiling ako pero halos pikit na talaga ang mata ko. “Ayos lang ako...” I said as I trued to stiffle a yawn. “Nagkita ba kayo ni Maicy?” I asked him.

Tumango siya. “Oo kanina. Pero mukhang problemado ‘yung kapatid mo na ‘yun,” he said.

Kumunot naman ang noo ko. Wala namang nababanggit sa akin si Maicy na problema... Palagi naman kaming magkausap.

“Kanina kasi parang medyo lutang siya nung nagttaste test kami.”

Kahit na medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil wala ako doon habang inihahanda ang kasal ko, mas inisip ko na lang na mapapawi lahat ng lungkot ko sa mismong araw ng kasal. Nakabook na kasi ang flight ng pamilya ni Uno mula sa States kaya hindi pwedeng ma-delay ang wedding. Tapos bigla pa akong pinadalasa New Zealand—special order direct from my boss kaya hindi matanggihan.

“Ano naman daw ang problema?”

Nagshrug lang si Uno. “Bayaan mo, tatanungin ko bukas. Sige, matulog ka na. I love you.”

I smiled at the screen. “I love you din.” I can’t wait to be married to that guy.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon