[18] The Need To Be Mean

352K 7.4K 724
                                    


                                                      *****

Sa labas ng eskwelahan ni Cassandra, nagsisenyasan sina Alex at Melchor sa pamamagitan ng mga mata't nguso. Hindi kasi makaporma ang nasabing pulis dahil kasama nito sina Inspector Aldovar at dalawa pang mga kabaro. Hindi ito makaalis sa pwesto dahil may natanggap silang tip na magpapakita ang mga inaabangang kriminal. Nagkataon namang hawak na ni Melchor ang balang ipantatapat nila kay Mr. Collantes kung kaya't di na makapaghintay si Alex na makausap ito.

Maya't mayang nginungusuan ni Alex ang SP02 upang palapitin ito at kausapin sa loob ng kanyang sasakyan subalit umiiling lamang ang pulis at inginunguso rin ang mga kasamahan. Pinahihiwatig nito sa babaeng ipagpaalam siya sa inspektor.

Walang nagawa si Alex kundi ang lumapit kay Brandon na noon ay seryosong nagmamanman at nakatayo sa labas ng kotse. Siya na lamang ang gagawa ng paraan para makausap si Balatbat.

"Inspektor Aldovar," nakangiti't nakapamulsang tawag niya sa binata.

"Ma'am Alex-" lingon sa kanya ng inspektor.

"Mukhang seryosong-seryoso ka ata ngayon," komento niya.

"Code 35," maiksing sagot sa kanya ng lalaki nang may tipid na ngiti habang palinga-linga sa paligid.

Naintindihan niya ang sinabi ng inspektor na ang ibig sabihi'y naka red alert ang mga ito. Sa nalama'y batid niyang impossible nang makausap nang maayos si Balatbat kung kaya't ang gusto niya'y makuha na lamang ang dapat nitong ibigay sa kanya.

"Pwede ko bang istorbohin saglit si SP02 Balatbat?" paalam niya.

Ilang saglit na nag-alinlangan si Brandon ngunit hindi niya rin natiis ang babaeng may naglalambing na mga ngiti. "Go ahead... but we can't relax, you know."

"Alam ko. Mabilis lang ito."

Tumango ang binata at inginuso ang direksiyon ng SP02 na noo'y nakatayo malapit sa katabing nakaparadang sasakyan.

"Salamat," ani Alex sabay lapit agad kay Melchor. Kung pangkariniwang sibilyan lang siya ay diretso niya ng lalapitan si Balatbat kaso bilang dating pulis alam niya ang protocol at kailangan niyang irespeto ang trabaho ng mga ito lalo pa't naka-red alert.

"Akin na," lahad niya agad sa palad.

Dumukot si Melchor sa loob ng kanyang jacket at iniaabot sa kanya ang isang puting sobre. "Madam Kap di pa tayo fully paid sa detective natin ha," paalala ng pulis.

"Oo na! Ikaw talaga pera na lang lagi ang unang lumalabas diyan sa bibig mo!" nakita ni Alex na napalingon sa kanila si Brandon kung kaya't patay malisya niyang isiniksik sa likurang bulsa ng pantalon ang envelope. "Sige na at mukhang istrikto ang timpla ng boss mo ngayon," biglang hinang sabi niya. "Tawagan mo ako pag tapos na kayo."

"Yes Madam Kap!" sumasaludo pang paalam ni Balatbat.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon