[7] Picnic Panic

419K 7.5K 852
                                    

  
                                    *****

Nakatayo't nag-aantay sa gilid ng gate ng school ni Cassandra si Alex. Malapit na ang oras ng labasan kaya't nag-aabang na siya sa anak. Naagaw ang atensiyon niya ng isang bagong dating na sasakyang pumarada mismo sa tapat ng gate. Nagulat siya nang makitang lumabas dito si Inspector Aldovar kasabay ang isa pang kapwa pulis.

"Huh? Si Aldovar," sambit niya sa sarili.

Nakasibilyan lamang ang mga ito at pagkalabas ng sasakya'y tumingala at iginala ang mga paningin sa mga gusali na animo'y sinusurvey ang buong vicinity ng eskwelahan. Hula niya'y naroroon ang mga ito para mag imbestiga. 

"Inspektor!" kaway niya nang may abot tengang ngiti.

Napalingon ang binata. Nagulat ito pagkakita sa kanya ngunit agad din naman itong gumanti ng ngiti. Tinapik muna nito sa balikat ang kasamahan saka ito lumapit sa kanya.

"Ma'am Alex?" takang sambit nito. "Okay lang ho ba na tawagin ko kayong Ma'am Alex coz your husband doesn't want me to call you Capt. Valdemor anymore. Hindi ko naman kayo matawag na Mrs. Monteverde, masyado namang pormal para sa ating mga pulis," pabirong paliwanag nito.

"Okay lang," masiglang sagot niya.

"Ano hong ginagawa niyo dito?" tanong ng inspektor.

"Sinusundo ang anak ko."

"Huh? Dito rin nag-aaral ang anak niyo?"

"Oo."

"Kunsabagay this school belongs to the richest," tatawa-tawang sabi nito. "Pero nakakagulat naman na kayo talaga ang personal na sumusundo sa kanya. Well I understand, I think your child couldn't have a better bodyguard other than you."

Medyo nahiya siya sa pumupuri na namang tono ng kausap. "Hands-on lang talaga ako pagdating sa anak ko....Teka kayo? Anong ginagawa niyo dito?" nagniningning ang mga matang tanong niya. "May kaso ka bang hinahawakan sa school na ito?" pabulong na dagdag niya.

Pansamantalang tumahimik ang binata at patay malisyang napakamot sa batok. Halatang nag-aalinlangan itong magsalita.

Nakangiting tinapik niya ito sa braso. "Ikaw naman! Huwag ka ng maghesitate. Kahit naman wala na ako sa serbisyo ay kabaro niyo pa rin ako kaya okay lang na sabihin mo sa akin. Siyempre kahit malaman ko, alam ko namang dapat nakazipper itong bibig ko," may lambing na tono niya.

Binigyan siya ng asiwang ngiti ng binata.

"Ano? May iniimbestigahan ba kayo dito?" namimilog ang mga matang untag niya.

"Sort of," mahina't napapakagat-labing sagot nito.

"Anong kaso?" excited uling kulit niya.

"Kidnapping."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon